Chapter 16

185 7 3
                                    

Maricris’ POV

“Magandang gabi Manong! Pakisabi po sa amo ninyo nandito ang kinababaliwang babae ni Raven”- ngising ngisi kong sabi sa guard sa gate ng bahay nila Raven

Kumunot ang noo nung guard pero sumunod na din sya... Kinalabit ako ni Cente kaya napatingin ako sa kanya

“Umuwi na nga tayo Tomboy...”

Nginisihan ko lang siya at umiling

“Watch and learn Cente.. Panoorin mo mamaya kung gaano ako kahenyo..”

Bumalik na yung guard at pinapasok na kami sa malaking bahay... Nakasunod lang saken si Cente na halatang binabantayan ang kilos ko... Hahaha

“What are you doing here, bitch?!”- salubong sakin ni Rhian

Naunahan ako ni Cente sa pagsagot sa kanya...

“Watch your mouth, kid.”- madiing sabi nya saka tinitigan nang pamatay si Rhian... WHOA!

Ayos din pala! May resbak ako!

Mukhang nasindak naman si Rhian kaya mabilis syang tumakbo at umakyat sa taas...

Masama ang mukha ng mommy ni Raven nang makita kami na nakatayo sa sala nila... Galing sya sa kusina

“MAGANDANG GABI SAYO TITA!”- bati ko naman habang nakakalokong nakangisi

Namewang sya at tinaasan ako ng kilay... Oha kontrabidang kontrabida ang dating!

“TITA?! HUH! Squatter ka talaga noh? Kapal ng mukha! Anong gayuma ang pinainom mo sa anak ko ha?”-gigil na sabi nya

Tumawa lang ako... “Wala po akong gayumang pinainom sa anak ninyo.. Pero nauuhaw na po kami ng kasama ko, baka gusto ninyo kaming painumin?”

Nanlaki ang mata ni TITA at umirap... Inis na inutusan nya yung katulong nila na bigyan kami ni Cente ng juice... Agad ko namang ininom yun... Hindi ginalaw ni Cente yung sa kanya kaya ininuman ko na lang din yun.. Sayang eh!

“Miss squatter slash gold digger ano bang sadya mo? Ah! I’m sure alam mo nang pinalayas ko si Raven dito sa bahay dahil sayo kaya nandito ka ba para magmakaawa sakin na tanggapin kita bilang girlfriend niya at pabalikin sya dito?”- nanunuya ang ngiti niya nung sinabi yun

“Eeeenk! Sorry TITA wrong answer!”- ngisi ko saka nilabas ang isang brown envelope at pinatong sa lamesa... Nakatayo pa din kaming tatlo

Kumunot ang noo nya at kinuha yung envelope at inusisa ang laman niyon... Napatawa ako nang malakas nung nanlalaki ang mata siyang tumingin ulit sakin

“Ano TITA? Gusto nyo bang pag usapan natin dito yan sa sala o---“

“Shut up! Sumunod ka sakin..”- mariin nyang sabi, mahigpit din ang hawak nya sa envelope... Ngising ngisi lang ako

“SURE TITA! Tara Cente!”- hinila ko sa dahil mukhang ayaw nyang sumama papunta sa taas

Sa isang study room kami dinala ni TITA... Nilock nya agad ang pinto pagpasok namin

“Sino ba yang kasama mo? Confidential ang pag uusapan natin kaya palabasin mo muna sya”- utos saken ni TITA

Ngumiti ako ng pang asar.. “Di yan madaldal TITA.. Supporter namin ni Raven yan...”

Narinig kong marahas na huminga si Cente pero di ko na lang yun pinansin

Manood ka lang Cente

Umasim lang ang mukha ni TITA at agad na pinunit ang mga pictures na laman ng envelope

“TITA naman... Syempre may soft copy ako nyan.. tsktssk”

“WALANGYA KANG BABAE KA!”-sigaw nya at lumapit sakin para sampalin ako

Ngumisi lang ako... Sinalag agad nung kamay ni Cente yung kamay ni Tita na lalapat na sana sa pisngi ko

Lumayo ulit si TITA lalo na nung nakita nyang masama ang titig ni Cente sa kanya.. HAHHAHA!

“Anong gusto mong mangyari?”- mahinahon na sabi ni TITA

“Simple lang ho... Pabalikin ninyo dito si Raven at pabayaan na siya sa gusto nya.. WAG kayong makialam sa aming dalawa..”

Namula ang mukha nya sa galit

“Hingin mo nang lahat wag lang si Raven! Magkano ba ang gusto mo, ha?! Tutal yun lang naman ang

habol mo sa anak ko diba?! MAGKANO! SABIHIN MO LANG!”

Nginitian ko sya... “Wala kong pake sa iniisip mo saken TITA pero nasabi ko na ang gusto kong mangyari at hindi na magbabago yun.. Nagtataka lang ako ano? Ikaw din naman nagmahal sa hindi ninyo ka level ah? Sweet na sweet nga kayo ng driver ninyo dyan sa picture eh.. Kaya bakit ba tutol na tutol kayo samin ng anak niyo? Pineperahan ka lang ba nya at wala kang pake dun kasi mahal mo?”- nakangising sabi ko

Sa sobrang gigil at galit nya sakin ay dinampot nya ang vase na nasa lamesa at binato yun... Agad na nabasag ang pobreng vase

“HINDI AKO PAPAYAG NA SIRAIN MO ANG PAMILYA KO, BABAENG HAMPASLUPA KA LANG! Putangina hindi ako papayag! Hindi!”- naiiyak na sabi nya

Tipid lang akong ngumiti

“Kung ganon.. siguro naman TITA pumapayag ka na sa gusto ko ano?  Alam mo na naman ang mangyayari pag hindi eh..”- naiiling na sagot ko

Matalim na tiningnan nya ko... Tumutulo na ang mga luha nya

“Pumapayag na ko! WAG MONG SISIRAIN ANG PAMILYA KO! Panalo ka ngayon pero magbabayad ka  Maricris Medel! May araw ka din sakin!”

Nginisihan ko lang sya at sumaludo

“Hihintayin ko yan TITA... Pano mauna na kami!”- sagot ko saka mabilis na hinila ang tulalang si Cente palabas ng malaking bahay na yun

Nakita ko pang nakatingin sa amin yung driver na “kalaguyo” ni TITA... Nginisihan ko sya at ilang na ngumiti naman ito pabalik

“Oh ano Cente elibs ka naman masyado sa kehenyohan ko!!”- sigaw ko sa kanya nang makalabas na kami sa gate.. Medyo wala pa yata sa sarili eh!

Bigla nya kong niyakap ng mahigpit... Takte di ako makahinga! Magrereklamo sana ko pero naramdaman ko yung malaks na kabog nung puso niya

“Okay ka lang ba Tomboy?”

Natawa ako.. “Aba oo naman!”

Humiwalay na sya sakin at tinitigan ako... Syempre di ako nagpatalo

Tinitigan ko din sya nang nakangisi

“Sa nakita ko kanina sabi ko sa sarili ko, siguro dapat sumuko na lang ako sayo...”

Biglang nawala yung ngisi ko sa sinabi nya.

Tumalikod sya sakin at natawa nang nakakaloko

“Pinakita mo pa talaga sakin kung paano mo sya ipaglaban”- seryosong angal niya

Humarap ulit sya sakin... Nakangisi na sya... LANGYA MUKANG GAGI LANG EH!

“Kung kaya mo, kaya ko din yun! Kaya din kitang ipaglaban Tomboy... Sa nakita ko ngayon, mas minahal pa kita lalo.. Nakakaloko noh?”

Sumakay na sya ng motor kaya umangkas na din ako kaagad...

Haaay Cente! Ano bang gagawin ko sayo?! Sumasakit ang henyo kong utak sayo!

AN: Yo! Thank you sa read! LOOL! Matatagalan pa siguro ang next na chappy dahil lalayas kami ng bahay! XD .Salamat sa pagtitiyaga sa story na ito kahit so slow ang UD! ^____^V

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon