Chapter 18

128 5 1
                                    

Maricris’ POV

Alas singko na natapos yung mini program at bonding namin kasama yung mga bata.. Ang babait na nila, sa totoo lang! At may ibang mga kaibigan na din daw sila sa labas ng orphanage na to dahil pinagbawal na nina Carlo at Carla ang bullying... Naks! Nagagawa talaga ng peg ebeg at kahenyohan ko! Bwahaha!

“Maraming salamat Mikhail sa walang sawang pagdalaw at pagsuporta sa aming orphanage...”- nakangiting sabi ni Ms. Lopez... Nandito kami sa office niya para magpaalam... Sinama ni Cente sina Carlo at Carla at ewan ko din kung bakit

“Wala pong anuman Ms... Actually, I have a proposal...”

Napatingin kaming lahat kay Cente nun at tumango si Ms. Lopez para ipagpatuloy ni Cente yung sasabihin niya.

“May scholarship program po kasi ang Alejandro Footware... Gusto ko sanang ipasok sina Carlo at Carla dun kung papayag kayo at syempre sila...”- sabi ni Cente at tumingin din sa dalawang bata na may gulat na mukha

“Walang kaso sa akin iyon at may kopya na din ako dito ng detalye tungkol sa program na iyan.... Carlo at Carla? Pag isipan ninyo itong mabuti, bihira lang ang ganitong oportunidad.. Libre lahat mula pag-aaral, dorm hanggang allowance ninyo sa kolehiyo pag naging scholar kayo..”- sagot ni Ms. Lopez

“Dorm? Aalis na po kami dito?”- tanong ni Carlo

“Pag may pasok sa dorm kayo titira pero pwede naman kayong bumalik dito kapag sembreak at bakasyon..”- sagot ni Cente

Nagkatinginan sina Carlo at Carla at nagtanguan...

“Payag na po kami... S-salamat po Daddy Vimi!”- naiiyak na sabi ni Carla at yumakap kay Cente

“Thank you Daddy Vimi!!! GROUP HUG!”- sabi din ni Carlo at dinamba sina Carla at Cente

Natawa na lang kami ni Ms. Lopez sa eksena nila..

------------

Tahimik lang kami habang pauwi... Mga pagod eh! Ang harot talaga nung mga bata dun!

Lumingon ako kay Cente... Maaliwalas ang mukha niya.. Saya siguro niya dahil tinanggap nung dalawa yung scholarship... Naks! Kala mo ang bait eh...

“Inaantok ka? Matulog ka muna, medyo malayo pa tayo..”- biglang sabi niya

“De okay lang ako.. Baka mamaya maibangga mo pa tong kotse eh, babantayan kita ayoko pang madeds!”

 

Ngumiti lang siya ng konti.. “Sleep. I will never let you nor put you in danger, Mommy”

 

“Tigilan mo nga! Kinikilabutan ako sayo, Cente! Brr!”

Namula yung tenga niya at nag poker face... Leche!

“Matulog ka na nga lang diyan... Tss!”

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon