Maricris' POV
"Ms. Medel, next time I will not allow this kind of mistake again, naiintindihan mo? Sige balik sa trabaho!"
"Yes Mam. Sorry po ulit..."
Nakayuko akong bumalik sa pwesto ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko sa computer at binalewala ang mga tingin sa akin ng mga kasamahan ko dahil nasermunan ako nung head namin.
Maya maya ay tinabihan ako ni Rose.
"Cris, okay ka lang ba?! Halatang ilang araw ka ng walang tulog tapos parang pagod na pagod ka!"
Imbes na sagutin ang tanong niya ay nilihis ko ang usapan.
"Sayo na ba pinaayos ni Mam yung SOA? Sorry, naabala ka pa tuloy dahil palpak ang gawa ko..."
"Ah oo ako na daw ang mag-ayos... Ano ka ba, okay lang! Hay! Kung gusto mong mag-open, nandito lang ako, okay?"
Tumango lang ako at binalikan ang ginagawa ko.
Tangina, ni hindi ako makangiti!
Mula nung pangyayari sa ospital ay halos hindi na ako nakakatulog.
Sino ba ang gugustuhing matulog kung paulit ulit kang binabangungot?
Lagi kong napapanaginipan yung mga sumbat sa akin ni Raven at nagigising na lang akong umiiyak na pala.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mahirap kalaban ang konsensiya.
Mag mabigat pa dahil sa isang bukas pa ang uwi dito nina Mang Danny at Aling Sally. Wala akong matakbuhan.
Uwian at nagpahatid ulit ako kay Manong sa funeral service kung saan nakaburol ang Mommy ni Raven.
Binilin na din sa kanya ng abogado na huwag ikwento ang mga nangyari sa pamilya ni Cente.
"Sige po Manong, salamat ulit at ingat kayo..."- paalam ko bago ako bumaba.
"Sige Hija... Pagsubok lang iyan, magdasal ka lang..."
Nagulat ako sa sagot niya. Nahalata na siguro niya dahil sa hitsura ko.
Pinilit kong ngumiti.
"Salamat po..."
Dumaan ako sa isang maliit na chapel na katabi lang ng lugar kung saan ang burol at taimtim na nagdasal.
Matapos nun ay pumunta na ako sa burol pero nasa labas lang ako. Ikatlong gabi na ngayon ng lamay pero kahit araw araw akong pumupunta dito ay hindi ako nagpapakita sa kahit kanino.
Madami daming tao ngayon, namumukhaan ko yung iba, mga kamag anak sila nila Raven.
"CH, bakit ba ayaw mong pumasok sa loob?"- biglang sulpot ni Biboy sa tabi ko.
"At anong gusto mo? Mag eskandalo na naman si Raven? Ibabalato ko na sa pamilya niya ang katahimikan dito sa burol..."
Umiling iling siya.
"Sabi mo gusto mong sumilip sa Mommy niya. Tatlong gabi na lang ang lamay at ililibing na siya. Paano mo masisilip kung lagi ka lang nandito?"
"Makakatiyempo din ako na wala si Raven..."- sagot ko na lang.
Isang oras kaming tahimik na nagmamasid sa labas. Pumasok din saglit doon si Biboy. Nandoon daw si Raven pati sina Rhian at Daddy niya.
Biglang tumunog ang phone ko.
Shit! Hindi ko pala ito napatay!
As usual ay si Cente ang tumatawag. Hinayaan ko munang mag-ring tapos ay agad kong pinatay yung phone ko nung nawala ang tawag.
