Nara's POV
"Mam, may bisita po kayo... Jem daw po?"
"Sige Yaya papasukin mo na... Bababa na din ako..."
I finished preparing my things for my flight tomorrow just in time.
Nag retouch muna ako ng kaunti bago bumaba. Baka kasi kasama na din nila si Mikhail.
Nara, stop doing that for him. SILA NA!
Yeah, right! I know, okay?! Jeez!
Sa kotse pa lang pauwi kagabi ay iyak na ako ng iyak. I already anticipated this pero sobrang sakit pa din pala.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong Jerm couple pa lang ang nandito. Pakiramdam ko kasi maluluha ako kapag nakita ko na namang magkasama yung dalawa.
"Nara!!! Grabe puyat ka ba, Girl?!"- beso sakin ni Jem
Ngumiti lang ako sa kanya at nagpahain ako kay Yaya ng merienda.
"Hindi ah! Nakatulog nga ako kaagad kagabi eh!"- pagsisinungaling ko.
Umiling lang si Jerwin.
"Hay naku, Nara! Umamin ka na. Halata namang mugto yang mata mo. Magdamag ka yatang umiyak eh..."
I bit my lip at umiwas ng tingin sa kanila. Bigla naman akong niyakap ni Jem.
"I know that you're really hurting, Nara pero nandito lang kami...."
I sighed.
"Tama! Pero ang hirap talaga ng sitwasyon mo kasi hindi ka makakapag move-on agad. Eh magkasama ba naman kayo sa Hongkong eh!"- Jerwin
I laughed a little.
"Hiwalay naman kami ng office at house ni Mikhail dun noh. And don't worry, hindi ko naman siya susulutin kay Cris! Pwera na lang kung ma-fall sa akin si Mikhail habang nandun kami!"- sabi ko sabay flip pa ng hair.
"Hay naku!"- sabay pa nilang reaction. Natawa lang ako.
Dumating na yung merienda kaya medyo nanahimik na sila.
"Oo nga pala, susunod na lang daw yung dalawa dito..."- Jem
"May date?"- tanong ko with taas pa ng kilay. Jeez!
Nagkibit balikat lang sila.
Nanood na lang kami ng 13 sins while waiting for Mikhail and Cris.
I just tried to concentrate in the movie even though I can't help thinking about the two. Tsk!
Maricris' POV
For the nth time, humikab na naman ako. Langya! Ang aga kasi nambulabog nitong si Cente kanina! May pupuntahan daw kami.
San naman kaya yun? Inaantok pa ako, tokwa!
Sumandal na lang ako dito sa likod ni Cente at nagtangkang matulog. Nakamotor kasi kami ngayon.
"Tomboy, wag ka sabing matutulog eh! Baka malaglag ka! Ts!"- saway niya
"Eh saan ba kasi tayo? Epal ka talaga Cente! Lumayas ka na nga!"- yamot kong sigaw kasi maingay yung motor.
Di na siya sumagot kaya pasimple ko na lang siyang kinurot sa tagiliran. Napapitlag lang siya ng konti pero dedma lang. Ts!
Pumasok kami sa isang private school. Ang alam ko ay alumni sila dito nina Jem, Nara at Jay.
"Cente wag mong sabihin na magpapaalam ka din dito? Yung totoo, di ka na babalik? Siguro magsasama na kayo ni Nara doon noh?!"
Inirapan niya lang ako tapos nauna nang maglakad pagkababa niya sa motor.