Chapter 20

142 6 1
                                    

 Maricris’ POV

Gulat at galit ang mukha ng nanay ni Raven nung makita kaming magkasamang pumasok sa bahay nila. Pinilit kong ngumisi sa kanya kahit sasabog na ang ulo ko sa pagkapoot sa kanya.

“Mommy, behave.... Kumain na tayo, we’re hungry...”- awat agad ni Raven saka nagbeso sa nanay niya

Tinaasan niya lang ako ng kilay saka naunang pumunta sa dining room nila kasama si Rhian na inirapan ako. Hinila ako ni Raven para sumunod sa kanila.

Nakahanda na ang pagkain sa lamesa...umupo kami sa tapat nila, katapat ko si Tita... Pwe!

Nagtitigan kami at nung kumunot ang noo niya ay binalingan ko si Raven...

“Ay grabe ang daya bakit mas madami yang pagkain mo? Palit tayo!”

Mabilis kong pinagpalit ang plato namin ni Raven tapos ay sumubo na ako... Pinagtawanan lang ako ni Raven at kumain na din siya

Sumulyap ako kay Tita at iritado lang sya habang kumakain.

Walang lason yung pagkain. Akala mo siguro mapapatay mo ako agad.

 

Naalala ko si Cente at agad na bumangon na naman ang galit ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magwala.

Raven’s POV

 

Nagulat ako nang biglang nawala sa harapan ko yung plato ko... Ayun pala ay hinawi ni Mari yung table cloth kung saan nakapatong ang mga pagkain namin... Nabulabog yata ang buong bahay sa ingay na gawa nun... Nagkalat din ang pagkain at basag na mga kubyertos sa sahig...

“What the heck?!”- bulalas ni Rhian

Napatayo silang dalawa ni Mommy... Tumayo na din ako at hinarap si Mari...

Nanigas ako nang makita ang hitsura niya... Galit na galit siya at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Mommy.

“ANONG PROBLEMA MO?! DON’T LOOK AT ME LIKE THAT!”- bulyaw ni Mommy kay Mari

“Mommy, stop!”

“STOP?! Raven hindi mo ba nakita kung gaano ka walang modo yang girlfriend mo?!!”

Hinawakan ko ang kamay ni Mari, mahigpit ang pagkakakuyom noon... Seryoso, ano bang nangyayari?

Pumiglas siya at mahinang sinabi na huwag ko daw siyang hawakan. Kinilabutan ako sa boses niya, galit na galit iyon!

“Rhian, tawagin mo ang guard—“

“WALANG AALIS! AT WALANG LALAPIT DITONG IBANG TAO!”- sigaw ni Mari

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon