Chapter 10

233 6 1
                                    

Chapter 10: Sila Na Ulit

Maricris’ POV

“Ate Sali na kayo sa org namin! 50 pesos lang ang membership fee!”

“Ay di pala libre? Sayang next time na lang po!”- sabi ko sabay lakad ng mabilis para di na ko maharang ng iba pang organization members na nanghihikayat sumali sa kanila…

Recruitment day kasi ngayon kaya nagkalat sila… Wala kong sinalihang kahit anong org o grupo dito sa school… Baka kasi kumalat pa ang kehenyohan ko.. Mahirap maging sikat.. WAHAHA!

Umakyat na ko sa building ng college ni Jem.. andun kasi yung practice room nung Groovin’… Tsk!

“Mukha kang tanga dyan…”

Lakas lang makapraktis ng sayaw sa hallway eh! Di yata napapansin na yung ibang estudyante dito eh nagbi video na sa kanya...

“MARIII!”- Raven na parang batang lumapit sakin na nakangisi =____=

Hinila niya agad ako at pumasok kami sa isang bakanteng room…

“Oy akala ko ba mag audition ka sa Groovin’? Pumila ka na dun!”- sita ko sa kanya… Langya gutom na ko!

“Mamayang ala una pa yun! Absent yung back up dancer ko dapat ngayon kaya ikaw na lang Mari! Please please??”

Kinotongan ko siya… “ASA.KA!”

At para na nga hong batang namilit at nagmakaawa si Raven para masunod ang gusto +_+

“Sigeee na Mariii! Miss na miss ko na nga sumayaw eh! Madali lang naman ang steps natin at dalawang klaseng sayaw lang! Tsaka kahit di mo naman ayusin eh kasi back up ka lang… dapat mas magaling ako kahit mas magaling naman talaga ko kesa sayo sumayaw.. Pleaseee dali na kasiii…”

“Magpalakasan system ka na lang kay Jem! Tsk!”

“Binigyan na nga nya ko ng tips kung pano makapasa eh! Tsaka sinabi niya sakin na dalawang klaseng sayaw nga daw ang kelangang sayawin… sa hiphop ako lang sasayaw tapos ikaw sa likod ko at magpaastig ka lang dun pero dun sa pangalawa kelangan nating mag-practice kasi tango yun!”- paliwanag pa niya

Pinandilatan ko siya… Lintek!... “Tango ka dyan! Wag yun!”

“Kailangan daw partner dance yung isa eh! Tsaka madadala naman kita sa pagsayaw at basics lang ang gagawin natin… Nakagawa na ko ng steps sige na Mari!”

Pumayag na lang ako.. Tsk! Pag si Raven na ang nangulit, hahanga talaga ko sa taong tatanggi! Ako nga suko dyan eh! Langya! Henyo na ko sa lagay na to ah!

“Hoy shet teka lang nahihilo ako!!!”- sigaw ko agad nung nagtangka akong bitawan ni Raven…

Gago to ah! Halos siya nga lang ang gumagalaw at dinadala niya lang ako pero langya! Puro ikot! Nakakahilo!

Natatawang umalalay siya sakin para makaupo ako… “Gumagaling ka talaga pag ako ang kasayaw mo Mari… Di mo naapakan yung paa ko eh! Naalala ko nung JS natin dati lahat ng nakasayaw mong lalaki pati yung mga bugok sumakit yung paa kakaapak mo… HAHAHAH!”

Binatukan ko dapat siya pero hangin lang ang nabatukan ko dahil umiikot ang mundo ko… Langya hilong hilo talaga ko dun! Lalo lang siyang natawa kaya sinamaan ko lang siya ng tingin saka yumukyok sa armchair para medyo mahimasmasan… Lagot talaga sakin to mamaya!

Dahil sa henyo ako ay nasanay na din ako sa sayaw namin at di na masyadong nahihilo pero gutom na ko! 12 30 na pala!

“Hoy Ven baka gusto mo kong ilibre man lang ng lunch?! Gago ka na nga wala ka pang utang na loob!”

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon