Chapter 50

131 5 1
                                    

November

Raven's POV

"Kuya where's Ate Cris na ba? Ang tagal tagal!"

Napangiwi na lang ako nung nakita ang hitsura ng kapatid ko. Nakabusangot na naman kasi at namewang pa.

"Ah, on the way na yun..."- sagot ko na lang

May pinagawa kasi siyang project kay Mari kaya hinihintay niya itong dumating ngayon sa bahay. Sasamahan ko siyang dumalaw sa puntod ni Mommy dahil sa Mama niya siya nag undas. 

"Yo! Rhian, eto na po ang project ninyo kamahalan! Sure 101% yan!"

Tumayo na ako nung dumating si Mari. Kinuha ko din sa kanya ang dala niyang bulaklak.

"Hmp! I will check this later pa! Babye, may date pa kami ni Jay eh!"

Nauna pa sa aming umalis si bunso. Tsk! Talaga naman!

"Loka loka din talaga yang kapatid mo! Tara na Ven para hindi tayo gabihin!"- yaya niya sa akin.

Nag motor kami papunta sa sementeryo. Isang oras din ang byahe at kahit malayo ay doon siya dahil request iyon ni Mommy sa sulat niya kay Daddy.

Kumain muna kami sa McDo bago pumunta sa puntod. Nilapag ni Mari ang bulaklak at tahimik din siyang nagsindi ng kandila. 

Maya maya ay nagring ang phone ko. 

"Hello Rhian? Bakit?"

"Kuya! Diba kayo na ulit ni Ate Cris?! Ang kulit kasi nito ni Jay eh! Nag aaway kami kasi sabi niya yung Kuya daw niya ang mahal ni Ate!"

"Fiance nga sabi ni Kuya si Ate Cris eh! Pustahan pa tayo!"

Naka loud speaker pa yata ang tawag kaya narinig ko din ang boses ni Jay. 

At ano daw? Pinag aawayan nila kung sino sa amin ni Mikhail ang kasintahan ni Mari? Tsktsk!

"Rhian, friends na lang kami ng Ate Cris mo at ang alam ko ay fiance nga niya si Mikhail..."

Napatingin sa akin si Mari. Nagtataka yata sa pinagsasabi ko. Nginitian ko lang siya.

Narinig kong humiyaw si Jay.

"Oh ano ka ngayon?! Sabi sayo eh! Hahaha!"

"Hmp! I hate you! I hate you din Kuya!"

Hindi pa man ako nakakasagot ay binabaan na ako ni Rhian. Spoiled brat talaga eh!

"Hoy Raven, anong problema nitong kapatid mong bruha?"

Ipinakita sa akin ni Mari ang text sa kanya ng kapatid ko.

Sa bahay ka mag dinner mamaya! I have to tell you something. 

Natawa ako at kinuwento sa kanya ang naging usapan namin ni Rhian sa telepono. Napailing na lang si Mari.

"Pasaway yung mga yun ah! Pero sigurado akong parehas silang naniniwala na henyo talaga ang Ate Cris nila! Wahahha!"

Nagtawanan kami. Ang hangin talaga eh!

"Uy Mari... Diba may party kayong mga Intern sa Alejandro Footware mamayang gabi? Wag mong intindihin si Rhian, akong bahala dun... Ihahatid na lang kita sa AF building pagkagaling natin dito..."

Isang linggo na din ang nakalipas nung natapos ang OJT niya doon. Ang bilis talaga ng panahon!

"Sa inyo ako magha-hapunan mamaya... Lagot pa ako dun kay Rhian! Baka sabunutan ako sa susunod naming pagkikita... Hahaha!"

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon