Chapter 35

87 3 4
                                    

Maricris' POV

Halos paliparin ko yung bike ko papunta sa presinto.

Tangina! Sa wakas! Hindi ko alam pero halo halong emosyon tong nararamdaman ko.

Pagdating doon ay nakita ko agad sila.

Nakaupo si Rhian sa isang tabi at umiiyak. Katabi nito si Raven na nakaposas.

Pumayat siya at maputla.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at hinanap ng mga mata ko ang Mommy niya.

Bakit wala siya dito? Nasa selda na ba?

"CH! Maupo ka dito. Tinawagan ko na din si Tito Dan, papunta na daw siya...."- bati sa akin ni Biboy

Umupo ako sa monoblock chair na nasa tapat ng pwesto nung magkapatid.

Nag-angat ng tingin si Raven at nagkatinginan kami.

Masama ang tingin ko sa kanya pero pagod ang mga mata niya.

"Biboy, pwede bang pakihatid na lang muna si Rhian sa ospital? Walang bantay si Mommy doon..."- baling ni Raven kay Biboy

Kumapit ng husto si Rhian kay Raven at sisigok sigok na nagsalita.

"N-no! A-ayoko Kuya! H-hindi kita iiwan dito! Hindi ka nila pwedeng ikulong! Si Mommy ang may kaso, hindi naman ikaw!"

Pagod lang na ngumiti si Raven at pinakalma si Rhian.

Maya maya pa ay pumayag na siya at sumama kay Biboy. Tahimik lang ako kanina pa.

"Tito, pakitanggal po yung posas niya..."- pakiusap ko sa tatay ni Biboy

Inutusan naman nito yung mga pulis na tanggalin ang posas ni Raven.

Tumayo ako tinabihan siya.

"Subukan mong tumakas ulit, Raven.... Subukan mo lang talaga..."- banta ko sa kanya

"Pagod na ako Mari... Nakakapagod na magtago, nakakapagod na..."- tulala lang niyang sagot

"Anong nangyari sa Mommy mo? Bakit nasa ospital siya?"

Pilit kong pinatatag ang boses ko.

Nasasaktan ako sa nangyayaring to. Minahal ko si Raven.

Minsan sa buhay ko, siya ang pinaka mahalagang parte ng mundo ko. May lugar pa din siya dito sa dibdib ko.

"She's sick. Pinapahina ng depression niya ang katawan niya. Lalong lumala yun nung iniwan kami nung tarantadong kalaguyo niya..."- nakakuyom ang kamaong saad niya

Napakagat labi ako. Pucha pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat!

"Hindi pa ba alam ng Daddy mo ang mga nangyari?"

"Alam na niya.... Bukas ang dating niya dito sa Pinas... Galit siya kay Mommy..."

Natahimik kami matapos nun. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin.

"Cris!"

Tumayo ako at nagmano kay Mang Danny. Kasama niya din pala si Jay.

Tipid lang na ngumiti si Raven sa kanila.

"Where's your family?"- usisa ni Mang Danny kay Raven

Hindi umimik agad si Raven kaya ako na ang sumagot.

"Ah nasa ospital daw po ang Mommy niya at bantay dun yung kapatid niya. Bukas po ang dating dito ng Daddy niya..."

Napatayo ako nung biglang lumuhod si Raven sa harap namin.

Tangina naman!

"Patawarin ninyo po ako sa lahat lahat. Patawad po kung nagtago pa kami. Hindi po kakayanin ni Mommy na makulong. Please parang awa ninyo na po, iurong ninyo na lang po ang kaso...."

"Raven! Tumayo ka diyan!"- gigil na hila ko kay Raven. Hindi siya nagpatinag. Pucha!

"O kahit a-ako na lang po ang ikulong ninyo. H-hindi po kakayanin ni Mommy, please po. Parang awa ninyo na po..."

Umiiyak na kumapit si Raven sa binti ni Mang Danny. Parang na estatwa lang na tumingin sa akin si Mang Danny.

Shit alam kong naantig siya! Alam kong gusto niyang ipahiwatig na gusto na niyang iurong ang kaso!

Pinatayo ng mga pulis si Raven. Pinaupo nila ito ulit pero pinigilan ko na sila nung akmang lalagyan nila ulit ito ng posas.

Tinabihan ko ulit si Raven. Nakayuko siya at tahimik na umiiyak.

"Mang Danny, ako na po ang bahala dito. Kung gusto ninyo pong dumaan muna sa ospital, okay lang po..."

"Sige... Pero hindi ka ba sisilip doon, Cris?"

Umiling ako.

"Hindi na po... Baka po magwala lang iyon pag nakita ako..."

Tumango naman si Mang Danny at umalis na. Ayaw pang sumama sa kanya ni Jay pero hinila na siya ni Mang Danny.

"Raven, umayos ka!"- mariin kong sabi sa kanya pero lalo lang siyang umiyak.

Fuck! Tangina naman!

Niyakap ko siya at hinayaang umiyak sa balikat ko. Ayaw niyang kumalma. Malamang ay matagal niyang kinimkim ang lahat ng ito.

Hinaplos ko ang likod niya at lalo lang lumakas ang hagulgol niya. Humigpit din ang yakap niya sa akin.

"Ven...magpakatatag ka! Kailangan ka ngayon ng Mommy mo, ni Rhian..."

Kumalas siya sa akin at luhaan na tumingin sa akin.

"Parang awa mo na, Mari! Nagsisisi na si Mommy sa mga ginawa niya! Hindi niya kayang makulong, Mari. Hindi niya kakayanin...kahit siya pa ang pinaka masamang tao, nanay ko pa din yun... Mari naman, please! Iurong mo na ang kaso..."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingala para pigilan ang luha ko.

Hindi ko na alam!

"Kilala mo ako, Raven... Hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa ng nanay mo! Paano kung namatay si Cente, ha?! Kung walang ibang taong nadamay ay baka pwede pa, Ven. Pero alam mo ang nangyari..."- giit ko sa kanya

Huminga siya ng malalim.

Pagod na pagod ang mga mata niya.

"Kilala mo din ako, Mari... Hindi ako sumusuko.. Sige na pupuntahan ko na si Mommy... Umuwi ka na din.."

Yun lang at tumayo na siya. May nakabuntot agad na pulis sa kanya.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang palabas ng presinto.

Hinawakan ko ang balikat ko na basa dahil sa mga luha niya.

Pinalis ko agad ang luha kong tumulo na kanina ko pa pinipigilan.

Nagpasalamat at nagpaalam na ako sa Papa ni Biboy saka ako umalis.

Habang pauwi ay hindi ko mapigilang mag-isip kung tama ba tong mga desisyon ko.

Pakiramdam ko ay napakasama kong tao, lalo na kay Raven.

Suminghot ako.

Tangina! Hindi ko mapigilang mapaluha tuwing naaalala ko ang itsura at pagmamakaawa ni Raven kanina.

Huminga ako ng malalim.

Alam kong magdamag akong dilat nito.


EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon