Dan's POV
"Manong, sa mansiyon na tayo... Cris, doon ka na mag dinner ha..."
Pauwi na kami galing sa trabaho. Nagtext si Sally kanina na dalhin na nga daw si Cris sa bahay dahil nagluto siya. Hindi siya pumasok ngayon dahil masakit daw ang ulo.
Mukhang nag-alangan pa si Cris pero tumango na din siya. Napansin kong nitong mga nakaraang araw ay hindi pa din siya ganun kasigla tulad dati.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa mansiyon. Sinalubong kami ng maganda kong asawa. Hinalikan niya ako agad sa pisngi.
"Ma, akala ko ba ay masakit ang ulo mo? Baka nagkikilos ka pa buong araw ha?"- sermon ko agad sa kanya
Nagmano sa kanya si Cris. Nginitian niya lang ako.
"Okay na ako, Dan! Tara na sa loob at nakapaghain na kami ni Manang!"
Hindi na ako nagbihis dahil baka mag amok pa si Sally. Ayaw nya kasing pinaghihintay ang pagkain.
"Wow! Ano pong meron? Sino po ang may birthday?!"- bulalas ni Cris nung nakita ang lamesa na puno ng mga pagkain.
Natawa kami. Tumabi na din siya kay Jay samantalang umupo kaming mag-asawa katapat nila.
Tahimik lang kaming kumain. Halatang mga gutom kaming lahat eh! Hahaha.
Maya maya ay may nagring bigla.
"Ayy excuse lang po ah! Sagutin ko lang po ito..."- paalam ni Cris saka kami iniwan sa table.
Nagtinginan kami ni Sally.
Sana ay si Mikhail na yun. Hindi ko alam pero mukhang hindi okay ang lovebirds. Noong nakaraang linggo nga ay pumasok sa office si Cris ng madaming pasa at sugat sa mukha.
Halatang halata ang away nila dahil tuwing kausap ko ang panganay ko ay bugnutin na naman siya.
Nang bumalik sa lamesa si Cris ay kinuha na niya ang bag niya sa upuan niya at uminom din siya ng tubig.
"Naku pasensya na po Mang Danny at Aling Sally! Kailangan ko na pong umalis. Tumawag po si Raven eh, nasa ospital daw po sila ngayon dahil may dengue si Rhian..."- hinging paumanhin niya sa amin
Napatingin kami sa aming bunso na si Jay nung tumayo din ito.
"My.. Dy... Sasama po ako kay Ate Cris..."- paalam niya din. Napatingin din si Cris sa kanya, mukhang nabigla
Bago pa man umangal ang asawa ko ay tumango na ako.
"Sige, mag-iingat kayo ha! Pahatid kayo kay Manong... Pakisabi kay Rhian magpagaling..."
Nung nakaalis na ang dalawa ay nahampas ako ni Sally.
"Awww! Nasa harap tayo ng pagkain!"- angal ko
Umirap siya. Nak ng! Feeling dalaga na naman eh!
"Alam kong nililigawan ng anak mo si Rhian... Imbes pagsabihan, eh kinukunsinti mo pa! Ang babata pa nila!"- talak niya sa akin.
Pinigilan ko ang sarili kong takpan ang tenga ko dahil lalo lang siyang magagalit.
"Hayaan mo na! College na din naman si Jay at may tiwala ako sa kanya tsaka mabait naman na bata si Rhian eh..."
Huminga lang siya ng malalim.
"Nag-aalala ako kina Mikhail at Cris, Dan... Tingnan mo nga ngayon, imbes na nagdi-dinner tayo with our manugang, nandun na naman siya kay Raven... I know that they are over but I can't help but worry... Feeling ko ay pinahiram lang niya sa atin si Cris at binabawi na niya ito ngayon..."- pagdadrama ni Sally
![](https://img.wattpad.com/cover/8716200-288-k685764.jpg)