Maricris' POV
"Mommy, tama na nga yan...."
Si Jay yun na sinasaway si Aling Sally dahil naluluha na naman ito.
Nandito na kami sa airport at ilang minuto na lang ay sasakay na ng eroplano yung dalawa.
Magkatabi kaming nakaupo dito ni Aling Sally at hinimas ko yung likod niya para kumalma siya.
"S-sorry talaga... Hindi lang kasi ako sanay na may malalayo sa mga anak ko eh..."- Aling Sally
Tumabi na din sa kanya si Mang Danny tapos ay inakbayan siya. Halatang nagpipigil lang siya ng luha. Hahaha.
Walang katapusang mga bilin at ingat ang naganap. Naluha din ng konti sina Jem pati yung Mommy ni Nara.
Maya maya ay tinawag na yung mga pasahero sa flight nung dalawa kaya isa-isa na nila kaming niyakap.
"Ingat Nara, baka nandun na din ang destiny mo... Hahahah!"- sabi ko nung ako na ang niyakap niya
Natawa lang din siya at tumango.
Halos malagutan naman ako ng hininga nung niyakap ako ni Cente.
"Ack... papatayin mo ba ko, Cente?!"- saway ko
Imbes na luwagan ay hinigpitan pa niya lalo ang yakap sakin. Langya!
"Magtino ka ha.... Behave..."- bulong niya kaya nahampas ko siya
Natawa lang siya at tinitigan ako sa mata na parang huling titig na niya to sakin. Arte!
"I love you, Tomboy..."
Napahiyaw yung mga kasama namin pero ngumisi lang ako.
"Oo sige na... Ingat kayo!"
Yun lang at umalis na sila. Pinanood muna naming lumipad yung eroplanong sinakyan nila bago kami umalis.
"Tara kumain muna tayo!"- yaya ni Mang Danny
"Yes sa wakas!"- react ko agad
"Grabe Cris! Parang hindi ka man lang malungkot na umalis si Espren!"- Jem
"Oo nga, Jam! Nakarinig lang ng pagkain eh!"- sulsol ni Jer
Ngumisi lang ako. Natawa na naman sila.
"Bilib nga ako dito kay Cris eh! Sana ganyan ako ka-strong...."- Aling Sally
Nag belat ako sa Jerm couple matapos nun. Henyo eh!
Matapos kumain ay umuwi na kami agad.
Nasaan na kaya sina Cente? Siguro naman ay walang traffic sa himpapawid noh? Lol!
Humikab ako. Tulog siguro sa byahe si Cente.
Kumain, nag-usap at nagbasa lang kami magdamag eh!
Sumandal ako sa bintana at zzzzzzzzzzzzzzzzz.
---------------------------
"Cris! Saan ka mag lunch?"- yaya sa akin ni Rose. Ka department ko siya.
"Ah eh may kikitain kasi ako sa may McDo eh! Sige mamaya na lang!"- dahilan ko saka mabilis na bumaba ng building. Niyaya kasi ako kanina ni Mang Danny na sabay daw kami mag lunch ngayon.
Dalawang linggo na din ang nakalipas mula nung first day namin. Ni-request ko din kay Mang Danny na wag na ipaalam sa iba na magkakilala talaga kami at fiancee ako ni Cente kasi baka kung anong sabihin ng ibang kasamahan ko dito.
Palihim din akong sumasabay sa kanya pauwi. Nung una ay ayoko talagang sumabay dahil kaya ko namang mag-commute pero kinulit ako ni Mang Danny at sa huli, pinagtapat din niya na request daw yun sa kanya ni Cente at lagot daw siya kapag hindi ako pumayag.
