After 3 years
Maricris' POV
Pinigilan ko ang hagikhik ko habang nagtatago dito sa loob ng closet sa kwarto namin ni Cente. Naririnig ko kasi siya ngayong tarantang kausap si Jem sa phone.
Wahahaha!
"Damn it! Wala ba talaga dyan sa inyo?! I already called everyone of them at hindi din nila alam kung nasaan ang asawa ko!"
Kinagat ko ang labi ko. Malamang ay kunot na kunot na ang noo niya ngayon!
"Nanggaling na ako sa tindahan pero sabi ni Ate Liza ay hindi pa nagpupunta doon si Tomboy!"
Noong isang linggo ay nagulat na lang ako dahil pag-uwi namin dito sa bahay galing sa pagtitinda ng mga kakanin ay may mga nakakabit ng mga CCTV cameras sa bawat sulok ng bahay. Pinakabit yun ni Cente for security purposes daw.
AS IF! Ang sabihin niya ay napapagod na siyang hanapin ako sa buong bahay tuwing tatakasan ko siya sa paggawa ng baby! Siyempre, Henyo ako eh!
Nagtalo kami dahil ayokong may mga ganun dito sa bahay. Pakiramdam ko kasi ay laging may nakatingin sa bawat kilos namin! Pero ang walangya kong asawa ay nagmatigas kaya bahala siya dyan! Akala niya siguro hindi ko na siya matataguan ngayong tadtad na ng CCTV cameras itong bahay!
HAH?! HENYO YATA TO!
"TOMBOY! PAG TALAGA NANDITO KA LANG AT NAKITA KITA, PATAY KA SA AKIN! SO BETTER STOP HIDING NOW!"
Nasa sala na siya pero rinig ko pa din ang boses niya dahil sa lakas noon. Halos dumagundong na nga sa buong bahay eh! Wahahaha! Shet ang sarap talaga asarin!
Sa loob ng tatlong taon ay pakiramdam ko bagong kasal pa din kami. Wala pa din kasi kaming baby hanggang ngayon kaya di tulad ng iba naming mga kaibigan na sobrang abala na sa mga anak nila, sa isa't isa lang kami busy ni Cente.
Napangisi lang ako at nanatili dito sa loob. Gusto kong malaman kung ano pa ang gagawin ni Cente. Wahaha!
Narinig ko ang mga mura niya. Bumalik na siya dito sa kwarto namin.
"Hello?! Police station ito? Irereport---"
Nanlaki ang mata ko. Shit magpapatulong na to sa mga pulis! At bago pa man niya magawa iyon ay lumabas na ako sa closet namin at ginulat siya.
"BULAGA! HAHAHAHA!"
Napatalon pa siya noong nakita ako. Basta na lang din niya binitawan sa kama ang hawak na phone.
"God! Siraulo ka talaga! Pinag alala mo ako, Tomboy! I thought....Damn!"
Halos hindi ako makahinga dahil sa yakap niya. Accckk!
"Kailan ka ba masasanay sa mga pranks ko, Cente?! Ang weak mo talaga!"
Huminga lang siya ng malalim at sinamaan ako ng tingin.
"Fine! Papatanggal ko na ang CCTV cameras! Happy?! At ulitin mo pa itong kalokohan mo at mambubuntis na ako ng ibang babae!"
Ngumisi lang ako sa pananakot niya. Ohh yeah! I'm the boss! Whooo!
Basta ko na lang hinubad ang suot kong damit at natawa ako nung napanganga siya.
"Ano ulit yun, Cente?! Sinong bubuntisin mo?!"
"Siyempre ikaw! Ugh! Round 1 for today, Tomboy!"
Humalakhak pa ako bago niya ako sinunggaban at itinulak sa kama. Shit!
Para sa six percent!!!!
====================
"Naku! Lagi na lang ubos itong paninda ko magmula nung kayo na ang naging tindero't tindera!"