Maricris’ POV
“Mari, love mo pa ba talaga ako?”
“CRIS!!!”
Napapitlag ako sa boses ni Jem.. Takte ang lakas eh!
“Bakit?”
“Told you.. Di yan nakikinig!”- Nara
“Tsk! Sabi ko kung may klase ka ba mamayang alas dos kasi kung wala naman, sumama ka na samin manood mamaya nung laban ni Espren...”
Laban? Malamang sa swimming yun... Tsk!
“Ah may gagawin ako mamaya eh, kayo na lang...”- tanggi ko... Di ba nila nahahalatang iniiwasan ko si Cente? Tsk ako lang talaga Henyo samin... Hihihi
Umirap si Nara.. “Isama mo si Raven... Parang di mo kaibigan si Mikhail ah.. Tss..”
Tumalikod na siya samin at nauna na sa paglalakad... Napakamot na lang ako ng ulo...
“Yaan mo na si Nara.. Alam mo naman yun eh... Basta pumunta ka Cris mamaya ah!”- Jem
“Oo na oo na... Hay!”
“Bakit ang tamlay mo yata ngayon??
“Wala.. May iniisip lang ako...”
Tumango lang si Jem at tahimik na kaming naglakad papunta sa room namin...
“Mari, love mo pa ba talaga ako?”
Lechugas! Lubayan mo muna utak ko Ven, utang na loob! =____=
========
From: Ven
Hi Mari! Hindi muna kita masasamahan ngayon, may gagawin kasi kaming project eh... Ingat ha! Love you much!
“Uy mauna na kayo sa may pool area, may dadaanan muna ako ha.. Sige!”- nagmamadaling umalis si Jem... San kaya pupunta yun?
Nireplyan ko si Raven...
To: Ven
Oks... Nood kami sa laban ni Cente... Ingat din!
Isesend ko na sana pero parang may kulang sa text ko... Binasa ko ulit...
“Mari, love mo pa ba talaga ako?”
Ewan ko pero naalala ko na naman yung tanong na yun sakin ni Raven... Tanong na hindi ko nasagot nang maayos... Tsk!
To: Ven
Oks... Nood kami sa laban ni Cente... Ingat din! Loveyou too
Pikit mata kong sinend yung message... Tsk! Nakakainis!
“Let’s go na Cris! At pwede bang wag kang sumimangot dyan, baka malasin pa si Mikhail eh! Tsk!”- pagtataray na naman ni Nara saka naunang maglakad....
Napailing na lang ako... Pag nakangisi ako, ayaw tapos pag nakasimangot, nagrereklamo pa din... Gulo ng utak eh!
Pagdating namin dun, madami na ding estudyanteng manonood, puro babae! Langya mga lalaki lang yata may laban ngayon ah!
Yung mga swimmers nagwa-warm up na... Inter college competition pala, si Cente napili na rep ng college namin... Sa may bandang gitna ng bleachers kami umupo
“Ohmyghad ang pogi naman nung sa CBA! Shet ateng!”- nakakalokang stude1
“Oo nga! Si Mikhail yan! Tignan mo naman ang absss!”- nakakalokang stude2
Lumingon ako kay Nara, nakakunot noo niya at halatang nakikinig din sa usapan nung mga babaeng nasa baba namin nakaupo... Hahahha! Naks sikat na lalo si Centeng masungit!