Chapter 9: Unforgettable
Maricris’ POV
Nasa simbahan kami. Sumunod ka na lang.
Nilapag ko ang papel kung saan nakasulat ito at napatingala sa wall clock namin… Alas siyete na at isang oras pa ay mag-uumpisa ang misa…
Napangisi ako, ano na naman kayang pakulo nila? Tiningnan ko ang cellphone ko at walang ni isang nagtext sakin para bumati =_____________=
Siyempre maaga pa kaya malamang tulog pa sila, TAMA! Ang Henyo mo talaga Cris lalo na ngayong 18 ka na… BWAHAHAH! Kumilos na nga ako at naglakad na lang ako papuntang simbahan, wala ang kotse ni Jer sa tapat ng bahay nila…. San kaya yun?
Puno ang simbahan kaya hindi ko na sinubukang hanapin sina Papa at MM sa loob at umupo na lang ako dito sa likuran… Tsk di man lang nila ko sinabayan papunta, nauna pa sila!
Mukhang wala namang pakulo dito kaya matiwasay na lang muna akong nagsimba.
==================
*Riiing
Tapos na ang misa at naglalakad na ko pauwi… Mag-isa padin! Tsk! Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at kumunot ang noo nung makita kong si Biboy ang tumatawag…
NAKNG! HIMALA AT MAY LOAD ANG BUGOK NA TO!
“He—“
“CH! Tulungan mo kami! Dito sa pambansang warehouse, niresbakan kami--- BOOGSH!”
Yun lang ay nag tutoot na ang linya… Luh?! Totoo kaya yun o joke lang? Umuwi muna ko para kumain, di pa kaya ko nag-aalmusal! Sinubukang tawagan yung mga bugok pero mga nakapatay ang cellphone nila, potek baka nga talagang kelangan nila ng tulong!
Natapos na kong kumain at lahat lahat pero wala ding umuwing MM at Papa… Tsk ano ba naman to! Nag-iwan na lang din ako ng note na umalis ako saka ako lumayas ng bahay para pumunta sa pambansang warehouse, where riot happens… Sosyal eh may tagline pang nalalaman para namang masaya pumunta dun! Birthday na birthday ko eh! Langya naman oh!
Pambansang Warehouse
Patakbo akong pumasok at kinabahan ako nung nakitang nakalupasay yung tatlong bugok sa sahig, makalat ang paligid pero wala na kong nakikitang ibang tao… Shit late na yata ko ng dating!
Humihinga pa naman silang tatlo kaya nakahinga din ako ng maluwag… Puro sila pasa at may dugo pa sa mukha… Ang papapanget nila! Bwahahha!
“B-bakit ngayon ka lang CH?”- mahinang tanong ni Biboy
“Sorry kumain pa kasi ako eh! Teka tatawag na ko sa hospital! Tsk mukhang napuruhan kayo ah!”
“WAG!”- biglang sigaw nilang tatlo.. Nagtaka ko, makasigaw parang hindi nabugbog ah! Tinitigan kong mabuti yung “dugo” sa mukha nila…
“TEKA! Peke---hmmmmp“
WATDA?! Sinubukan kong lumingon pero unti unti akong nahilo dahil sa panyong tinakip sa ilong ako at aksfAHSJFHASHFCUASHUcjcs….
==============
Nagising ako nang maramdamang may humahawak sa katawan ko… Nakapiring ako kaya wala akong Makita… Naramdaman kong umangat ako sa pagkakahiga at nanigas halos ako nung maramdaman kong tinaas nila yung dalawa kong braso at tinataas din ang damit ko…. TEKA ANONG NANGYAYARI?!
Dahil Henyo ako ay agad kong binaba ang braso ko bago pa nila ko mahubaran… TEKA?! BAKIT PARANG NAKA SHORTS AKO?! NAKAPANTALON AKO KANINA! Medyo nagpanic na ko kaya pinilit kong tanggalin ang anumang bagay na nakapiring sa mga mata ko pero bigla nilang hinawakan ang dalawang kong kamay…