Chapter 38

77 4 1
                                    

After 2 weeks

Maricris' POV

"Ayaw mo ba talaga sumama, Cris? Feeling ko yari ako kay Mikhail kapag dumating kami doon na hindi ka kasama!"

Natawa ako at umiling kay Mang Danny.

"Magsumbong lang po kayo sakin kapag inangasan kayo nun! Lagot siya sakin! Sige na po, baka po malate ako sa office... Ingat po kayo!"- paalam ko na.

Nagbeso ang mag-asawa sa akin at tumalikod na ako para umalis.

Ngayon kasi ang flight nila para sa opening nung branch ng Alejandro Footware sa Hongkong.

"Don't worry, Pa. Aawatin ko naman ang anak mo kapag sinakal ka niya dahil wala si Cris..."- narinig ko pang biro ni Aling Sally.

Napangisi na lang ako.

----------------

Uwian at niyaya ako ni Rose na kumain sa labas kasama yung mga kasamahan naming Intern. Tutal ay sweldo naman daw namin.

"Naku next time na lang te ha! May gagawin pa kasi ako eh...."- tanggi ko.

Nag iinarte kasi si Cente dahil hindi ako sumama sa parents niya papunta dun. Kailangan naming mag Skype ngayong gabi kung hindi ay yari ako dun.

"Hmp! Sige ha! Paano ka pala uuwi? Out of town si Boss ah!"- tanong niya.

"Sus! Kaya ko namang mag commute! Sige na, ingat ka! Enjoy kayo!"

Paglabas ng building ay naghiwalay na kami.

Papunta na sana ako sa may bus stop nung biglang huminto sa harapan ko yung kotse ni Mang Danny at pinasakay ako nung driver nila.

"Naku Manong, wag na po! Kaya ko naman po mag biyahe..."- tanggi ko.

Nagkamot ng ulo si Manong.

"Eh Cris, sumakay ka na at ako ang malalagot kay Mikhail...."

Nagpasalamat ako at napilitan na sumakay.

Nakakahiya! Lagot sakin mamaya si Cente!

Speaking of maarte, nag ring ang phone ko at siya ang natawag.

"Hoy Cente! Henyo ako kaya siyempre marunong ako mag commute pauwi! Bakit tinatakot mo pa tong si Manong?!"- bungad ko sa kanya.

"I didn't scare him. I just requested him to take you home. Tsk! Alam na kasi ni Manong na matigas ang ulo mo kaya siguro sinabi niya yun sayo, Tomboy..."

Tumingin ako sa rearview mirror at ngumiti lang ng pabebe si Manong. Hay naku!

"Tss! Nga pala! Baka naman binubully mo na naman si Mang Danny dyan ha! Respeto naman, Cente!"

Nakita kong nagpipigil na matawa si Manong.

"Tss! Of course not! Actually, he keeps on pestering me magmula nung dumating sila dito..."- reklamo niya.

Natawa ako.

"Namiss ka lang niyan! Kamusta ang opening? Siguro nabulol ka sa speech mo noh?"

"Nah... It was fine... Marami na ding customers kanina since we gave discount especially sa mga Pinoy dito..."

"Congrats pala kung ganun! Naks, naka chamba ka Cente ha!"

"Thank you, Tomboy! Mas masaya sana kung nandito ka..."

Napakagat ako ng labi. Pabebe din kasi ako eh noh?!

"Bola! Sige na... Skype na lang pag-uwi ko... Baka nagba bonding kayo dyan..."

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon