Chapter 54

129 4 1
                                    

AFTER A MONTH

Maricris' POV

Matapos ang madugo dugo ding preparations dahil medyo rush ang wedding na ito ay sa wakas!

Today is the big day for Nara and my brother. Nagkaayos na kami. Nagalit pa sa akin si bunso nung nalaman niya ang ginawa ko pero nagkabati din naman.

Pinapila na kami ng maayos nung wedding coordinator. Sa barkada namin ay abay din sina Jay at Raven. Sina Tita Sally at Tito Raf naman ay kinuhang ninong at ninang.

Maya maya pa ay nagsimula na ang seremonya ng kasal. Naluluha pa pareho sina MM at Papa habang tinatahak ang aisle.

Si Cente ang best man samantalang pinsan naman ni Nara ang maid of honor.

Nakita kong magkakasama sa upuan ang Jerm family, sina Tito Dan, Rhian, Shana, CC couple at yung tatlong mga bugok with their respective wife.

Karamihan sa mga bisita ay nakasuot ng kulay baby pink na damit dahil iyon ang motif ng kasal.

Tumayo ang lahat noong nagbukas ang malaking pinto ng simbahan hudyat na papasok na ang bride.

Napakaganda ni Nara. Umiiyak din siya pati ang parents niya habang naglalakad papunta sa altar. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang siya ang magiging hipag ko.

Tumingin ako sa altar at pinigilan kong mapaluha noong nakita ko si MM na halos maiyak sa kaligayahan.

Si Cente ay nakangiti din at tinapik pa ang balikat niya.

Pumalakpak ang lahat bago nagsimula ang misa.

=======================

Nagulat ako noong bigla akong hinatak patayo nung wedding coordinator. Nasa reception na kami at magana akong kumakain sa table naming mga bridesmaid.

Sa may likod ng mini stage kami napadpad. Kumunot ang noo ko dahil nandito din si Cente.

"Magsasayaw na po ang bagong kasal. Always po ang kakantahin ninyo..."-ani ng wedding organizer sa amin.

Inabutan niya pa kami ng wireless mic.

"Hala wait lang... Wala namang nagsabi sa akin na kakanta pala kami!"-angal ko

Napakamot lang ng ulo yung organizer.

"Eh ito po kasi ang instruction sakin eh..."

Narinig ko ang pagtawag sa amin ng host kaya wala na akong nagawa noong hilahin ako ni Cente paakyat ng stage.

"Girl you are to me
All that a woman should be
And I dedicate my life
To you always..."

Kinilabutan ako sa boses ni Cente. Nasa gitna na din sina MM at Nara na mabagal na sumasayaw.

"A love like yours is rare
It must have been sent from up above
And I know you'll stay this way
For always..."

Panay ang flash ng mga camera sa bagong kasal kahit nga parang may sariling mundo naman sila.

Humarap ako sa mga tao at napapikit. Ganun din ang ginawa ni Cente.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon