Chapter 11: 545 Tomboy
Jem’s POV
“Nara yuhooo nakikinig ka ba?! Tama na nga ang kaiisip mo kay Espren! OA na!”
Halos tumalsik na yung laway ko sa mukha ni Nara pero nakatulala lang siya, absent kasi ang labidabs niya at hindi namin alam kung bakit kaya eto inaabangan naming dumating si Jay… Hays!
“Takte sila na nga ulit!”- biglang sabi ni MM na katabi lang ni Nara…. Napatingin ako sa kanya at parehas silang nakatingin sa bandang----
“Ohhhhh”
THIS.IS.NOT.HAPPENNING!
“Yo mga kapatid! Order na tayo!”
“Tara!Gutom na ko… Mari palibre naman!”
“Mukha mo! Hindi ako mapera, henyo lang!”
Nagtawanan lang sila at parang may sariling mundong binaba lang yung gamit nila sa may upuan at umalis palayo samin… HHWW PO SILA!
OH ISA PA… HHWW TALAGA SILA!!!
Sabay pa kami ni Nara na hawakan yung nag iisang baso ng tubig sa table namin.. KALOKA! Pinagbigyan ko na siya kasi ang chaka na ng mukha niya… Hehehe!
“Sabi ko na nga ba! Malamang nagdate pa sila kahapon kaya ginabi si Ate ng uwi sa bahay…”- sabi pa ni MM
Naubo naman si Nara habang umiinom kaya pinat ko siya sa likod… Sinamaan niya ng tingin si MM…
“Tumahimik ka nga dyan MM, pwede? Please lang?”
Hala ayan na nag taray mode na! Palibhasa wala si Espren eh! Tsk! Tumayo na lang si MM at nagpasabay na lang din ako ng order, si Nara nagmatigas, nagmamaganda pa ang bruha! Nakuuu!
“Hello po Ate Jem at Ate Nara!”
“JAY!!!”- ayun sa wakaaass dumating din!!
“AH alam ko na yan… Bakit absent si Kuya? May headache po eh, wag ninyo na daw siyang bisitahin di naman daw malala lagay niya..”- kwento ni Jay
Nagkatinginan kami ni Nara… Alam kong parehas kami ng iniisip…
Buti na lang at absent ngayon si Espren, ayos din ang timing eh! Kelangan naming makausap nang masinsinan si Cris mamaya..TSK!
“Oh Ate Cris! Bakit bumili pa po kayo ng lunch? Pinadala po sakin ni Kuya yung lunch mo…”- Jay saka nilabas yung lunchbox ni Cris
“Ah sayo na lang yan Jay… may pagkain na ko eh..”- tanggi ni Cris
“Ayy meron din po akong baon dito eh… Sayang naman kahit masakit ang ulo ni Kuya pinilit pa din niyang magluto ng lunch mo Ate Cris…”
Ngumiti lang si Cris, ewan ko pero halatang pilit yun.. Bigla namang hinablot ni Nara yung lunchbox at binuksan yon…
“Akin na lang to… I don’t want to waste Mikhail’s effort in cooking this… Ako na lang ang kakain nito…”
Napailing na lang ako dun… Kumain na lang kami nang tahimik
“Pakisabi sa Kuya mo Jay na wag na niyang ipagluto ng lunch si Mari… Nakakahiya naman sa kanya…”- Raven
“Ha? Bakit naman po?”- Jay
“Kami na kasi ulit ni Mari eh kaya dapat tumigil na siya sa panliligaw kay Mari…”
Bakas sa mukha ni Jay ang pagkagulat… Suminghot si Nara, teary-eyed siya, I’m not sure pero alam kong hindi yun tears of joy kung saan ay mas malaki na ang chance niya kay Espren… Napa sigh na lang ako at tumingin kay Cris, tahimik lang siyang kumakain.. Wala lang sa kanya
