AFTER 4 YEARS
Jem's POV
"Super cute talaga ng apo ko! Manang mana sa lola!"
Kinuha sa akin ni Mommy si Baby Jeremy. Nabinyagan na siya kanina kaya maraming tao dito sa garden namin for a celebration.
"Ako po kaya ang kamukha, Mommy! Ilong pa lang eh!"- biglang sulpot ni Hon sa tabi ko tsaka hinalikan sa noo ang panganay namin.
"Oh siya! Kumain muna kayo doon at ako munang bahala dito sa apo ko!"- pagtataboy sa amin ng Mommy.
Hawak kamay kaming ngumiti sa mga bisitang nadaanan namin at sa wakas ay nakarating na kami sa kusina.
Agad akong hinalikan ni Hon sa labi.
"Hon! Gutom na ako!"- kilig kong awat sa kanya
Tumawa siya at pinaupo na ako.
"Share na tayo sa plato Hon ah... Relax ka lang dyan..."
Napapangiti na lang ako habang pinapanood siyang kumuha ng pagkain namin.
I can't believe na may baby na kami ngayon! I mean, we already celebrated our first wedding anniversary last month but still, pakiramdam ko ay nasa cloud nine pa din ako!
Sobrang swerte ko kay Jerwin. Bago kami naikasal ay nagkaroon kami ng maraming matitinding pagtatalo but our love prevailed.
So here we are today! Happily married and with our baby Jeremy!
Kumain na kami at sinusubuan pa ako ni Hon. Nothing changed, he's still the sweetest!
"Honey... thank you!"- I said to him
"Huh? What for?"- nagtatakang tanong niya.
"For everything! For giving me a blissful married life. At alam kong ganoon din ang ibibigay mo kay Baby Jeremy at sa mga magiging anak pa natin..."
I can't help but to be teary eyed. I'm just so happy!
He smiled at napapikit ako nung masuyo niyang hinalikan ang noo ko.
"I love you, Honey! Pangako, gagawin ko ang lahat para sa family natin..."
We kissed and I can't believe that it still feels like a first time.
"Ayy may SPG pala!"
Napahiwalay kami nung biglang may nagsalita. Si Rhian!
Nakakapit siya kay Jay na mukhang galing pa sa trabaho dahil naka business attire ito. Kasunod naman nila sina MM at Nara na kapwa nakangiti sa amin habang magkahawak kamay.
Bineso ko silang lahat at niyayang kumain.
Yeah, they are both couples now.
During our last semester in SLU, balik school kami noon para sa thesis at iilan pang subjects. Nara confronted MM and Jana that time and we were all shocked nung basta na lang niya hinalikan si MM sa lips, sa harapan naming lahat at ng iba pang mga estudyante!
Naging official sila noong graduation ni MM sa college. Akalain ninyo?! Si Nara na super deads kay Espren, naka move on?!
At happily in a relationship na ngayon kay MM?! Hay!
Sina Jay at Rhian naman ay two years na ding couple. Sa aming lahat ay sila ang away-bati.
Just like Espren and Cris noong sila pa.
Espren spent his last semester sa Singapore. He took his subjects online at doon na din niya tinapos ang thesis niya. Ayaw daw kasi ng business partner nila doon na iba ang maghawak ng expansion project kaya hands on si Espren.
![](https://img.wattpad.com/cover/8716200-288-k685764.jpg)