Chapter 46

96 6 1
                                    

Jem's POV

It is a Sunday today and of course, I arranged some bonding time for our tropa!

"Oh ito pa ang merienda! Ubusin ninyo yan ha!"

Nilapag ni Manang ang isang bowl ng cookies sa lamesa at iniwan din kami agad dito sa garden.

Yep! Nandito kami sa mansiyon nila Espren! Nalaman yata ni Tito Dan kay Cris na nagyaya ako ng bonding so nag volunteer siya na dito na lang daw kami.

"Wow ang sarap! Si Manang kaya ang gumawa nito? Papaturo ako!"- Raven nang matikman ang cookie

Kumuha na din si Cris na katabi nito at mabilis na naubos ang isang piraso.

"Ang alam ko ay si Nette ang gumagawa ng cookies nila dito... Goodluck sayo kung papaturo ka! Weirdo yun eh!"

Natawa kami. Sinubuan ako ni Hon ng cookie. 

"Jana, gusto mo?"- narinig naming alok ni MM sa girlfriend niya.

Nagkatinginan kami ni Hon. 

Nung mag skype kami ni Nara ay tinanong ko siya kung anyare sa kanila ni MM pero  ayaw pag usapan ng loka!

At ang mas matindi, sa akin niya lang nalaman na may girlfriend na si MM! Kaloka!

Iba ang atmosphere dahil kulang kami pero pansin kong iba ang aura ng bonding namin today. Magkakasama kami pero may mga sariling mundo halos.

Sina MM at Jana ay hiwalay sa amin. Nakaupo sila sa gilid ng pool at nagmo-moment. Si Jay naman ay nasa isang tabi lang na busy sa pagtetext at paglalaro sa PSP niya.

Kami naman nina Hon, Cris at Raven ay nandito sa round table pero pansin kong natutulaley si Cris at behave siya ngayon kaya kami lang halos ni Hon ang nag uusap habang si Raven ay busy lang sa pagkain.

I really miss Espren and Nara na! 

Napatingin kami kay Raven noong bigla siyang natawa habang may binabasa sa text. Matapos tumawa ay nilingon niya si Jay tsaka umiling.

"Guys, sorry ha pero mauuna na ako sa inyo! Si Rhian kasi nagpapasundo..."- paalam niya saka tumayo na

"Sige pre ingat ka!"- Hon 

Natawa na naman siya.

"Grabe! Di ko akalaing pinatulan ni Jay yung biro ko nung nakaraan! Mukhang pumuporma na kay Rhian eh... Hahah! Sige!"- hirit pa niya bago tuluyang umalis

Mukhang totoo nga ang sinabi niya dahil sumama sa kanya si Jay. Sumabay na din sina MM at Jana. Magsisimba pa daw kasi sila.

Naks! Ang babait ng mga bagets!

"Siraulong Ven! Ibugaw ba si Rhian kay Jay?! Tsk! Kaya pala nagsusuplada na naman sa akin yun at sinasabihan akong BI daw sa Kuya niyang mokong!"- reklamo ni Cris

Natawa kami ni Hon. Hanga din ako dito kay Cris dahil napakatiyaga niya sa kapatid ni Raven.

"Chill! Hayaan mo na para naman may kamoment na din si Jay pag may bonding tayo!"- Hon

Sinamaan lang siya ng tingin ni Cris.

"Kailangan si Rhian talaga?! Madami namang iba dyan! Tss!"

"Yaan mo na! Nga pala, kamusta na kayo ni Raven, este ni Mikhail?"- pang aasar pa lalo ni Hon kay Cris kaya nahampas ko siya

"Hon! Wag mo ngang pino-provoke si Cris! Baka lunurin na lang tayo niyan bigla sa pool!"- pang aalaska ko din

Sumimangot naman si Cris at uminom ng juice.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon