Chapter 37

105 5 3
                                    

Maricris' POV

Sabado at birthday na naman ng Henyong to. Wahaha!

Hanggang alas dose ng hatinggabi kami magkausap ni Cente kaya siya ang unang bumati sa akin.

Next month na daw ang regalo niya. Sus!

Natulog ako sa byahe papuntang opisina dahil sa puyat.

Pupungas pungas pa akong pumasok sa department namin kaya napatalon ako sa gulat dahil sa party popper at hiyaw nila.

"HAPPY BIRTHDAY CRIS!"

Si Mang Danny ang nangunguna sa paghiyaw. Langya!

"Thank you! Hala nakakahiya naman po..."- pabebe ko pang sagot. Wahaha!

Kinantiyawan lang nila ako at maya maya ay nagsimula na kaming magtrabaho.

Dahil birthday ko ay half day lang daw ako ngayong araw.

Nung lunch break ay nagulat ako nung i-announce ni Mang Danny na sama sama daw kaming kakain nung handa KO sa conference room.

Nagtataka man ay kumain na din ako ng madami. Luto ni Manang ito lahat.

Nakaka miss tuloy yung bonding namin sa mansiyon.

Nung lumabas ng conference room si Mang Danny ay pasimple akong sumunod sa kanya.

"Mang Danny! Thank you po sa lahat ng to pero hindi na po dapat kayo nag abala!"

Natawa lang siya at inakbayan ako.

"Ano ka ba, manugang! Wag mo akong isusumbong ha pero bilin sa akin to lahat ni Señorito Mikhail! Hahaha!"

Namula yata ako sa sagot ni Mang Danny. Manugang ampotek!

"Tsk! Ang arte po talaga niyang anak ninyo!"

Natawa siya ulit at niyakap ako.

"Maraming salamat talaga Cris dahil ang laki ng pinagbago ni Mikhail! Kahit masungit at suplado pa din, mas open na siya ngayon at masayahin!"

Napangisi na lang ako.

"Ako pa po! Eh henyo to Mang Danny eh!"

Humalakhak ulit siya at nagpaalam na magre-restroom muna.

Pagbalik ko sa conference room ay nakatingin sa akin ng kakaiba sa Rose. Problema nito?

"Ba't ganyan ka makatingin? Tibo ka?!"- bulong ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya at hinampas ako.

"Eww! Mas pretty kaya ako sayo, Cris! Nakita ko kayo ni Boss Dan kanina!"- pabulong niya ding sagot.

Nanlaki ang mata ko at bago pa man ako makapagpaliwanag ay inunahan na niya ako.

"Matagal ko ng alam na fiancee ka nung panganay ni Boss kaya okay lang, Cris!"

"Hala paano mo nalaman?!"

Natawa siya.

"Nakita kita isang beses na sumabay pauwi kay Boss tapos medyo narinig ko din ang usapan ninyo.... Peace!"

Natawa na lang ako at sinigurado naman niya sa akin na hindi niya ipagkakalat yun.

Nagpaalam na ako sa kanilang lahat pagkatapos kumain.

Paglabas ko ng building ay niyakap ako agad ni Jem. Takte!

"Happy birthday Girl! Saan tayo?!"- excited na tanong niya.

"Uuwi! Nagluto daw si Papa eh! Tara!"

Yun lang at nauna na akong sumakay sa kotse ni Jer. Wahaha!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon