Chapter 55

149 4 1
                                    

Maricris' POV

"Ms. Cris, may meeting po kayo after lunch..."

Tumingin ako kay Carlo. Pormal na pormal ang mukha niya. Ngumisi ako.

"Drop the formality, Carlo... Wala naman tayo sa US! Sino ang ka meeting ko mamaya?"

Tiningnan ko ang oras at lunch break na pala. Mas busy talaga ako kapag nandito sa main office ng AF. Kaya nga mas gusto ko dun sa US eh!

"Marketing team po tsaka si Sir Jay..."- tugon niya

Tumango ako at tumayo na.

"Sa cafeteria ba tayo kakain o sa labas?"- yaya ko sa kanya

"Cafeteria na lang tayo..."- sagot naman niya kaya tinahak na namin ang daan papunta doon.

Dalawang araw na lang akong mananatili dito sa bansa kaya tinatapos ko na ang trabaho ko dito. Ayaw na talaga nila akong pabalikin sa US pero dahil genius ako, nakumbinsi ko pa din sila.

"Namimiss ko na si Carla! Huhuhu! Palitan mo na nga ako, Ate MJ! Ayoko na dun sa New York!"- pag iinarte ni Carlo habang kumakain 

Ilang araw kasi matapos yung kasal nina MM at Nara ay pumunta na ulit sina Cente at Carla sa Japan. Hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik.

"Isa pang angal at once a year na lang kita papayagang umuwi dito! Gusto mo?!"- ngisi ko sa kanya

Nanlaki naman ang mata niya at tumahimik. Sinulyapan pa niya ang leeg ko at nang-aasar na tumingin sa akin.

Nabatukan ko nga.

"Aray naman, Ate MJ!"

"Pasalamat ka talaga hindi na ako nambubugbog! Kung hindi ay lupaypay kayong lahat sa akin!"- asar na sabi ko

Ewan ko ba pero ang bilis ko ng mapikon ngayon. Kaya ayoko ding nakikipagkita sa barkada ay dahil parang tanga silang titingin sa leeg ko at ngingisi sa akin. Pinagbabantaan pa nila akong ipagkakalat yung video na yun.

Tssss! May araw din sila sa akin!

Diretso na kami sa conference room pagtapos kumain. Nandoon na si Jay pati ang VP for Sales and Marketing with the team.

Tumagal ng dalawang oras ang meeting.

"I'll wait for your updates... Thank you and have a nice day!"- pagtatapos ni Jay

Nagkamayan kami at nauna ng lumabas ang Marketing team. Tinulungan namin ni Carlo si Jay na magligpit ng presentation materials.

"Nga pala, Ate Cris! May celebration mamayang gabi sa mansiyon dahil successful yung store opening natin sa Japan... Hindi pwedeng hindi kayo pupunta!"- Jay

Napangiwi ako. Malamang kasi ay nandun mamaya ang mga walangya.

"Siyempre pupunta kami, Sir! Makakahabol kaya sina Kuya Vimi at Carla? Nasa Japan pa ang mga yun ah!"- Carlo

"I don't think so... May commitments pa kasi sila Kuya doon hanggang next week eh... Sayang nga at sila pa ang wala sa celebration..."- sagot ni Jay

Napalitan ng ngisi ang ngiwi ko. 

YES! Wala naman palang problema!

"Sige Jay, pupunta kami... Paano, balik na kami sa trabaho ha!"- paalam ko na

Ngumiti siya at tumango sa amin.

=================================

Matapos ang trabaho ay dumiretso na kami sa mansiyon. Halos lahat din ng empleyado ng AF ay imbitado.

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon