SPECIAL CHAPTER 1(MARIVEN)

472 12 6
                                    

SPECIAL CHAPTER PART 1: Ang Simula 

SPG: Lenggwahe at Karahasan (LOL ! NO JOKE! ^o^V)

Third Year High School Maricris' POV

National High

"Sige tumakbo ka lang! Patay ka talaga sakin pag naabutan kitang hayup ka! ARGGGH!"- #1 serial bully ng school namin habang nasa likod ko

In short hinahabol niya ko... Halata naman sa line niya diba? Tsk!

"Sa laki ng katawan mong yan mahahabol mo ko?! Tangna mo mag transfer ka na!"- sagot ko sa kanya at lumingon pa ko habang binebelatan siya

At nakita ko ding mga 10 meters na lang ang pagitan namin at sa totoo lang pagod na ko pati nanghihina... Nak ng teteng naman kasing regla yan! ARGH!

Natanaw ko na ang parking lot... Shit! Wala pa yata yung mga bugok!!! Mga gagong yun ang kukupad! Alam naman nilang wala ako sa kondisyon ngayon! ARGH talaga!!!!

Pinuno pa man din tong humahabol sakin! Yari talaga ko nito pag naabutan ako! Palibhasa hindi matanggap na nabugbog ng babae kaya ako talaga napag initan!

Hingal na hingal na ko at bumabagal na ang pagtakbo ko.. buti na lang talaga malaking tao tong humahabol sakin kaya ganun din siya....

Basagulero Tip CH Version: Kapag suko na ang pisikal na katawan mo, gamitin mo na ang utak mo!

At dahil Henyo ako nakaisip agad ako ng paraan para matakasan na nang tuluyan tong gagong humahabol sakin....

Tinahak ko yung direksyon nung isang lalaking pasakay na nung motor niya, nakahelmet na nga siya eh!

Walang ano-ano umangkas ako sa likod... Kaso pag-upo ko.... Tangna meeeen! Napahiyaw na lang ako sa sakit!!!! Shit shit ang sakiiit! Sinusumpa ko talaga tong reglang to!

"Whoa! Teka Ate--"- bahagyang lumingon si Kuyang driver

"Kuya tulungan mo ko! May  rapist na humahabol sakin! Tara na paandarin mo na tong bulok mong este tong motor mo! Dali dali malapit na siya oh!!!!" sigaw ko sa kanya at niyugyog yugyog ko pa yung balikat niya... Bagal kumilos eh!!!

Mukhang sa wakas nahimasmasan na siya at agad na pinaharurot yung motor... Nakahawak yung kanang kamay ko sa balikat niya tapos yung isa sa may likod ng motor....

Nilingon ko si Bully at nakita kong asar na asar yung mukha niya sabay sigaw ng

"HINDI PA TAYO TAPOOOOS MEDEEEL!!!!"

Nang-aasar lang akong humalakhak sa kanya at sinigawan din siya ng

"TALAGANG HINDII PAA! BWAHAHHA!!"

Nakalabas na kami ng NH... Siguro naman hindi na ko susundan ng gagong yun noh?

"Kuya para na nga! Dito na lang ako sa tabi...."- sabi ko.... Ayos sakayan na agad ng dyip to pauwi sa bahay.... Hehehe...

Hininto naman niya yung motor sa may tabi... Dali dali akong bumaba... Shit ang sakit talaga ng puson ko! Argh....

"Hoy Kuya salamat ha? Eto oh bayad sa pagpapasakay mo sakin sa motor mo..."- inabutan ko siya ng sampung piso... Aba 5 minutes lang naman akong umangkas sa kanya eh kaya pwede na yan!

Umiling naman siya at tinaggal yung helmet niya.... WHOAAA!!!

Sino to? Hindi ko siya kilala at hindi din naka uniform... Mukhang mayaman to ah kaya malamang may sinadya lang siya sa NH kaya napadpad siya!

EXTRAORDINARY CLAIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon