REINA JOY
"Talaga ba?" Natatawa na tanong ko sa mga kaklase ko habang naglalakad kami pabalik sa classroom. It's already 9am nag ring na yung bell at saktong tapos na ang orientation.
"Oo nga!" nakangusong sagot ni Carlo.
"Hindi ako naniniwala! Crush mo si ano noh yung tumabi sayo?" pang-aasar ko pa.
Namula si Carlo kaya mas lalo akong natawa. Kanina ko pa siya inaasar kay kuya tumatanggi siya at parati niyang sagot ay nai intimidate lang daw siya sa aurang binibigay ni kuya. I doubt!
"Aray! Aba-" Hinimas ko ang batok ko pagkatapos akong batokan ni Carlo.
"OY- BAKIT MO BINATUKAN! CARLO-BOY!!" sigaw ng Class Zero.
Ako yung nasaktan pero sila yung humabol kay Carlo na tumatakbo palayo sa amin—sumisigaw at humihingi ng tawad sa ginawa niya. Napa-iling nalang ako at natawa sa gilid.
"Diba! sabi sayo eh bad grades"
"Oo nga... ka turn-off naman."
I'm not here in this school to exchange barbs. I'm not here para maging hambog either. I'm here to improve my grades at para ipakita kay mom at dad na may laman din ang utak ko ng..... konti at pina-alalahanan ako ni kuya na huwag gumawa ng gulo kaya hindi ko papansinin ang feedbacks ng mga estudyante sa akin.
"Reina Joy? Tama?" Someone asked. Napatingin ako sa kaliwa ko. Mabuti naman at nagsalita na tong nasa kaliwa ko. Akala ko wala siyang balak magsalita eh.
"Oo, bakit?"
He extended his arm and showed his white pearl teeth. Ano kaya toothpaste ng lalaking 'to!
"I'm Henry and this is Ivan," he said.
Iginaya niya ang kamay niya sa katabi niya and I saw a male playing with his phone. Clicking his tongue repeatedly. "Hoy!" Siniko ni Henry yung Ivan kaya napatigil siya sa paglalaro at tumingin sa amin.
"Oh. I'm sorry, I was busy. I'm Ivan,"
"I already introduced you, you idiot!"
We keep on walking until we reached our classroom. Umupo ako sa upuan ko at nakipag kwentuhan sa mga bago kong kaklase. Sabi nila, sabay daw kaming kumain ng lunch. Walang problema sa akin yun kaya- "Sige!" nakangiting sagot ko sa kanila.
They screams in happiness at nagtuturo kung sino daw ang magli-libre sa akin.
"Ako na lang! apaka damot ng mga unggoy na'to," sabi ni Eugene at saka umiling.
"You don't have to. I have money naman," I told him.
Ngumiti si Eugene at bumulong sa tenga ko, "Ayokong malapa ng mga to. Takot ko na lang sa kanila."
***
Pagkatapos ng last subject namin for morning sched. Kinuha ko ang Cassandra Bag ko at inayos ang mga gamit ko bago lumabas para mag lunch. "Antay!" Lumingon ako sa kanila at ngumiti. Kasama ko pala tong mga to mag-lunch.
Sinuot nila ang mga bag nila at tumakbo papunta sa akin. "Ang mahuli, panget!" sigaw ni Angelo at tumakbo sa hallway. Sumunod sa kanya sila Henry at nagtakbuhan sila sa hallway.
"Pagpasensyahan mo na sila, ganyan sila eh," sabi ni Eugene sa akin.
Napatingin ako sa kanya at saka tumango. "Halata naman..." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Bakit kaya wala sila bossing no?"
"Baka busy? Alam mo naman. Si Quintin pa lang halatang busy na at maraming gagawin. Malamang nasa Asheville pa yun," sabi ni Franco. Yaman naman ng lolo niyo. Asheville.
![](https://img.wattpad.com/cover/310953226-288-k254861.jpg)
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Ficção AdolescenteShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...