REINA JOY
Hindi lang ako ngayon ang may face paint sa mukha kundi lahat kami excluding Kuya kasi ayaw niyang nadudumihan ang mukha niya.
Ang arte-arte akala mo naman gwapo! Char.
Gwapo naman talaga siya. Dumiretso kaming kabilang side ng dome kung nasan yung quiz show at para panoorin ang naglalaro.
"Damn. Wrong answer."
Siniko ko si Kuya dahil sa lakas ng boses niya.
"Ingay mo,"
I whispered at binasa ang question sa malaking screen at hinawakan ang ulo ko.
Teka, hindi ko ata yan alam?
Alam nilang lahat tas ako lang hindi, ang daya about make up chuchu kasi yung tanong.
"Setting spray,"
Bulong ni Quintin sa akin kaya napunta sa kanya ang tingin ko at dali-daling umiwas kasi nakatingin din pala siya sa akin.
Pucha! Yung puso ko.
"JM University, correct!"
Nag sigawan sila Carlo dahil nanalo ang manok namin na si Nivin na Grade 10 at syempre pinalakpakan din namin siya.
Talinong bata eh.
"Okay ka lang? Ba't ang pula ng mukha mo?" tanong ni Shannon sa akin at saka sinuri ang buong mukha ko.
"Okay lang."
"Yes?.... Okay, what table?.... naiwan ko ata sa bahay ang board.... Sige, I will personally gave it to madame."
Binaba ni Kuya ang cellphone niya at pinatay ang tawag bago hinagkan ang noo ko tapos binigay sa akin ang wallet niya.
"Mauna na ako, I have a lot of stuff to do in the office,"
Ngumiti ako ng malapad at tumango.
"Ingat ka."
Tumango si Kuya at saka tumakbo palabas ng dome.
Naiwan ako dine with Class Zero, lumipat naman sila Franco at Angelo sa gilid ko at hinuhulaan yung tamang sagot nung tanong.
Natapos ang quiz bee at second lang kami kaya naman kinograts namin si Nivin na mukhang disappointed sa naging resulta ng laro niya.
"Galing mo!" I said clapping my hands in her direction na ikinangiti niya.
"Kahit hindi ako nanalo?" she asked.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
