REINA JOY
"Gutom ka na, Bes? "
Luh?
Napatayo ako ng maayos dahil sa sinabi niya at tinaasan siya ng isang kilay.
Bes daw?
Eww kapal muks.
"Oo,"
"GUTOM NA DAW SI R-"
Mabilis kong tinakpan ang baba niya.
"Putangina?" Humagikhik si Carlo habang tinatakpan ko yung bibig niya.
Ang ingay talaga pero mas prefer ko kung ganito siya kesa tahimik.
Hehehehehe Carlo being loud is his trademark. Hindi mo yan mawawala sa kanya.
"Malayo pa ba?" tanong ng mga Grade 12 na nasa likuran namin.
Tumingin ako sa linya at Class One pa ang nauna, syempre si Theo ang dahilan kung bakit hindi umuusog ang linya. Naka-smirk lang naman siya habang binabalik yung order niya at umu-order ulit.
"ANO BA! umorder ka ng maayos!" sigaw ng mga taga Class Three.
"Gutom na kami!" sabi ng mga Grade 12 sa likuran.
Syempre hindi nagpahuli ang Class Zero.
"Wag papansin!" sigaw nila.
Nilagay ko ulit yung baba ko sa balikat ni Carlo at ngumuso. Pinatt naman ni Carlo ang ulo ko kaya napangiti ako.
Hindi ako kumain sa buong biyahe, yung saging ko naubos ko ng mabilis.
Sana pala kumuha nalang ako dun sa 7-Eleven ng maraming pagkain.
Tinignan ko si Carlo.
Mabuti pa tong lokong 'to, busog. Ang rami kasi ng pinabili niya kay Mara tas hindi namigay.
Carlo buraot!
Umusog na ang linya at naglakad na si Theo paalis.
Nagtatawanan pa nga yung alipores niya dahil dun sa ginawa nila.
Nakakaimberna talaga yan sila!
Tumayo na ako ng tuwid kasi si Shannon na ang kumukuha. Syempre yung mga itlog hindi na sumunod sa linya at nandun na kaagad sa counter.
Pinagsabihan sila ng SSG pero dinedma lang nila kasi gutom na daw sila.
Binigyan ako ng plato ni Carlo tas siya na din nagserve sa akin, ako yung nagtuturo kung alin dun ang kukunin niya.
"Salamat!"
Kumuha si Carlo ng kanya at sabay kaming lahat umalis. Nahuli sila Orion kasi kinuha nila lahat ng Fried Chicken kaya nagpro-problema ngayon yung mga Grade 12 kasi ubos na ang fried chicken at adobo
Mga patay gutom tong mga itlog ni Shannon at Quintin— at Kuya.
Mana sa pinagmanahan.
Dumiretso kami sa mahabang table kung nasan yung Class Four.
Syempre na papalapit kami sa mga to kasi sila una tapos kami.
I mean sa grades ba, katulad lang namin sila! Hehehehe tsaka di maikakaila na madal-dal din sila.
Lalo na yung president nila!
Ba't kaya ganon no? Yung mga president palagi ang pasimuno ng kalokohan?
Si Shannon kasi ganun eh.
"Ano ba magandang kantahin natin?" Nagpupulong yung Class Four sa e-pe-present nila mamaya and at the end, Gugmang ga aso-aso daw yung kanila.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Fiksyen RemajaShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
