REINA JOY
"Slide your hand like this."
"Kailangan ba talaga ako? Hindi nga ako marunong mag ganyan. Hanap nalang kayo ibang babae,"
"May kilala ka bang ibang babae na Class Zero?"
Tiningnan ko ng masama si Gino kaya zinip niya yung bibig niya.
"Mag cross dressing nalang kayo. Nakakahiya talaga promise,"
"Cross dressing daw," tanong ni Shannon.
Ngumiti ako ng malapad at pinagkrus ang braso ko.
Andito si Ate Michelle at kausap niya si Kuya, close na close na nga silang dalawa kasi nagtatawanan sila sa gilid habang nag-uusap.
Di ko naman knows kung ano ang pinag-uusapan nila. hehehehe
"Yung mga damit?" tanong ni Shannon.
Tinaas ko ang kamay ko at ngumiti.
Total nandito kami sa garden dito sa bahay nila mom, mga damit ni mom ang ipapagamit ko sa kanila hehehehe.
Audience din si mom no!
Umabsent siya sa trabaho para mapanood ang ginagawa namin.
"Cross dressing na?"
Tumingin si Shannon kela Carlo at wala na silang ibang choice kundi ang sumang-ayon.
"YAAY! ATE MICHELLE! TULUNGAN MOKO!"
Hinead count sila ni mama at hinila si Kuya papunta sa loob ng bahay para tulungan siya sa mga damit.
Natatawa pa nga si Ate Michelle kasi first time niyang mag make up ng mga lalaki AT GAWING BABAE.
Ay oo nga pala!
Yung wig!
Tumakbo ako sa loob para hanapin si Kuya and surprise!
Nandon sila sa kwarto ko at naghahanap ng gartirize na damit.
"Kuya! Hehehehehe"
Napatingin si Kuya sa akin at nilagay ang kamay niya sa beywang niya.
"What again?"
"Peram pera mo? Bibili ako wig,"
Napa buntong hininga si kuya at binigay sa akin ang pera niya.
Nakangiti akong lumabas ng bahay at patalon-talong pumunta sa garden kung nasaan sila.
Hindi ko mapigilang hindi matawa ng makita ko ang Class Zero na minimake-apan ni Ate Michelle.
"Saan ka pupunta, Ren?" tanong ni Nestor.
Ngumiti ako sa kanya.
"Sa Mall... bibili ako ng wig," I told him.
Lalabas na sana ako pero hinawakan ni Nestor ang balikat ko.
"I'll go with you. Busy silang lahat eh,"
Nginitian ko si Nestor at sabay kami na lumabas.
"Nag motor ka lang papunta dine?"
"Oo, may lisensya naman ako."
"Ganon? Sana all!"
Tinawanan niya ako at binigay sa akin yung isang helmet niya.
Sinuot ko naman yon at ngumiti kay Nestor.
"Sakay na, para makabalik tayo ng mabilis."
Nilagay ko sa bulsa ko ang pera at cellphone ko bago ako sumampa sa likod ng motor niya.

BINABASA MO ANG
Hi Flower
JugendliteraturShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...