REINA JOY
Walang background si Kuya when it come to pageants-pageants because that's not his forte.
Kaya si Luiz lang yung tinuruan niya kasi lalaki and he isn't teaching out of experience, he is teaching him sa mga nakikita niya.
"Knock knock?"
Napatigil sila kuya nang pumasok si Jasper dala-dala yung laptop niya.
"Ren?"
Tinaas ko ang kamay ko at tumayo sa upuan para puntahan si Jasper sa may pinto.
"Bakit?"
"Gumagamit talaga siya ng autoliker. Look, kagabi ko pa 'to napapansin. Puro Arabo ang nagla-like sa picture niya," he said, showing me his screenshots.
Lumapit si Kuya at tiningnan ng mabuti yung picture.
"Let that be. She's that desperate to win."
"Wala tayong gagawin?"
"Wala, ilan na ang nag-comments kay Reina Joy?"
"Nasa 5k na." Kuya nodded and smiled, "Yung shares?"
Tiningnan ulit ni Jasper yung laptop niya at ngumiti,
"15k."
"Likes are around 60k na tama?"
Tumango si Jasper at tumingin sa akin.
"Kay Theo nasa 80k na," he said.
Tumango ulit si Kuya.
"Sige na, magpa-practice pa sila."
Umupo ulit ako sa upuan ko at pinanood silang dalawa ni Luiz.
Wala namang binago si Kuya.
Dun lang sa galaw ng kamay niya para hindi maging boring tingnan si Luiz.
Sa akin naman, pinanuod lang ako ni Kuya at sinabihan ako na tuwing iikot ay dapat daw mahina lang para hindi magulo ang buhok ko.
He said na sa Uniform attire daw ay dapat kalmado lang yung paglalakad namin at wag daw namin O-Ahan. Dapat yung OA na part, e sa trendy na daw.
Kumbaga, nilevel niya yung mga ramp namin, sa tatlong pananamit, iba-iba din ng walks.
Pagkatapos namin mag practice, pinababa na kami ni Kuya para matry namin yung damit at marampa namin kung may sasagabal ba o okay na.
Yung akin, syempre, sa CR ko na naman yon sinuot.
"Hindi na masikip sa balikat?"
Umiling ako at inayos ang buhok ko para maekis niya yung sa likuran ng damit ko.
"Ayan?"
"Yarn! Okay na,"
"I can't believe you are joining pageants again. Makes me cry," I puckered my lips.
"Kuya naman eh"
"I'm just so.... happy and so proud," natatawa niyang sabi at pinunasan ang luhang bumagsak sa mga mata niya.
***
"Last last!" sabi ni Ivan habang tinatama niya yung stepping namin.
Kami lang ngayon dito sa bahay kasama ang mga maid ni Kuya.
Si Kuya umalis kasi pinatawag siya sa faculty, trabahong mayor at kami na natira dito nagpapractice para sa jingle namin. Baka kasi nakalimutan na ng iba yung steps, katulad ko na nakalimutan yung half ng steps. Hehehehe
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Ficção AdolescenteShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
