Chapter 20: Quality time

83 13 0
                                        

REINA JOY

"Mom! MOM! MOMMY! MAMA! YOU WON'T BELIEVE WHAT REINA JOY JUST DID!" 

Sabi ko na nga ba eh, ipagmamayabang na naman niya yung ginawa ko tas pagtatawanan ako! Suntokin ko kaya tong lalaking to? 'Wag na lang pala, baka suntokin niya ako pabalik. Hehehehe.

"What? What did she do?" 

Naka-apron siya at may hawak na sandok, nagluluto ata tong mother rainbow namin.

"She announced the field trip!" 

Nag-mano ako kay stepmom at kinurot ang braso ni Kuya. Apaka ingay talaga. Sisantihin ko siya sa bahay na to eh.

"ANO!?" 

Dumating si Dad galing sa kusina din and guess what, basa ang kamay niya. 

I guess he did the dishes?

Tumingin sa akin si Mama kaya nginitian ko siya exposing my white teeth at tumingin kay kuya. Mukhang hindi makapaniwala ang mga magulang namin. Hays.

"YOU REALLY DID PRINCESS?" 

Tinanguan ko si Mom ng dahan-dahan and guess what she did? 

Tumalon-talon siya habang kina-clap yung mga kamay niya.

"Opo. Normal lang daw po yun kasi part naman daw po yon sa pagiging ambassador ko," sagot ko kay stepmom at hinubad yung blazer ko bago lumakad papunta sa kusina para tingnan kung ano yung ginagawa nilang dalawa.

"OY ADOBOOO!" Napatalon ako sa tuwa dahil sa nakita ko.

"Akin yung binti." 

Aba!

"Ako una nakakita diba? Akin yun"

"Eh kung palayasin kita dito?"

"Sabi ko nga, sayo na. Mahal na hari—" Tinapakan ko ang paa ni Kuya bago ako tumakbo palayo sa kanya dala-dala ang bag ko.

"REINA JOY!"

***

"And then she said, 'sana may campfire sa field trip!'"

"HAHAHAHA!"

"Bakit mo naman sinabi yun nak? Dapat pageant!"

"Tama."

Tiningnan ko sila isa-isa, and I saw kuya's smirk after he shared to our parents what happened earlier.

"Kasali po ako sa Mr. and Ms. Nutrition month at the end of this month," I said. 

Nagtitigan si Mom at Dad sa sinabi ko at ngumiti ng malapad.

"May gown ka na ba? Makeup artist?" 

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tanong ni Kuya. Ka-lalaki niyang tao, yan talaga tinanong niya? Pwede namang, may partner ba ako or ano?

Tinampal ni Dad ang braso ko and told me to stop scratching my head habang nasa hapag. Hindi ko kasi mapigilan! 

"Nutrition month diba? Baka yung gown niya dapat may gulay at prutas din," I smirked. Ang talino talaga ng daddy ko! Sayang konti lang namana ko.

"We can ask for our designer!" 

ANO!?

"Ayoko, ma!"

"Bakiiit? Eh ayaw mo nun, mag nining-ning ka sa stage?"

Tumingin ako sa gawi ni Kuya para humingi ng tulong pero nagkibit-balikat lang siya at tumuloy sa pagkain.

Napabuntong-hininga ako at umiling pa din. Na-trauma ako sa designer ni mama dahil dun sa gown na ginawa niya para sa akin nung last pageant ko. Naalala nyo ba yung lava gown ni Catriona Gray? Ganun lang naman ang ginawa niya sa gown ko! pero kulay black tas pink siya.

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon