Chapter 13: I should've known

83 12 0
                                        

REINA JOY

Kanina pa ako nakakunot noo habang nakikinig kay Theo. 

She accused me on the poster/picture niya na nandun daw sa bulletin. 

Like, heller? Busy kaya ako buong araw at saka bakit ko naman yun gagawin? Sa aming dalawa siya lang naman yung bitter hindi ako.

"Ginawa mo yun diba? Sagutin mo ko!"

"Hindi ko nga alam yang sinasabi mo. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Ayaw kong maniwala kasi sinungaling ka!"

"Kung ayaw mong maniwala, wala akong pakialam. Basta hindi ko alam yang pinagsasabi mo," I said. Ini stress niya buhok ko.

Tinalikuran ko siya at naglakad papasok sa classroom ng hilahin niya ang buhok ko.

"Piste ka talagang babae ka!"

"Ano ba, Theo!" 

Mas hinigpitan niya ang hawak sa buhok ko at tinadyakan ang binti ko.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba!" hindi ko mapigilang sigaw. 

Inabot ko ang kamay niya sa buhok ko at hinila yun pababa pero mas hinigpitan niya ang hawak sa buhok ko at pinaghihila yun kahit saan.

"Bakit hindi mo aminin ang ginawa mo! Yawa ka!" galit niyang sigaw.

"Ano bang pinagsasabi mo!? Wala nga akong ginawa!" sigaw ko pabalik.

Hinarap niya ako sa kanya at kinalmot ang pisngi ko gamit ang mahaba niyang kuko. 

Napapikit ako sa sakit. Feeling ko ang hapdi ng mukha ko na para bang nasugatan yun— Hindi lang feeling! Nasugatan talaga!

"ANO BA!"

"AMININ MO ANG GINAWA MO!"

"WALA NGA AKONG GINAWA! A-ARAY!!" 

Napahawak ako sa pisngi ko at tiningnan si Theo but she didn't stop.

Naglabasan ang mga estudyante sa classroom nila at napapatakip sa mga bibig nila. "Si Reina Joy, may sugat!" bulong ng mga estudyante.

Gusto kong lamunin ng lupa ngayon na!

Sinubukan nila kaming awatin pero ayaw akong tantanan ni Theo. Plano pa ata niya kalbuhin ang ulo ko ng de oras.

"Ren!" 

"Stop them!"

"Gino, Tawagin mo si Joseph!"

"Copy bossing!"

Mas hinigpitan ni Theo ang paghawak sa buhok ko at saka binalibag ang ulo ko. Kelan ba siya mapapagod? Nahihilo ako sa ginagawa niya. 

Sinubukan ko siyang suntukin sa tyan pero parati akong natitigilan dahil kinakalmot niya ang braso ko. 

TANGINA!?

"PISTE KA TALAGANG BABAE KA!"

Tinadyakan niya ang binti ko kaya napa-aray ako. 

"THEO!"

"Nandito po sila!"

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!"

Napatigil si Theo sa paghila sa buhok ko nang makarinig kami ng isang malakas at may-awtoridad na boses. 

Tiningnan niya ako ng masama bago niya binitawan ang buhok ko at tinulak pa ako sa sahig.

"Pagsabihan mo yang kapatid mo." 

Inalalayan ako ni Shannon at Benjamin kaya nagkaroon ako ng lakas na tingnan ng masama si Theo.

"Bakit niya ako pagsasabihan kung unang-una pa lang, wala naman talaga akong ginawang masama sa'yo!"

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon