REINA JOY
"A-aray kuya! Dahan-dahan." Tinapp ni kuya ang Ice pack sa calves ko at saka napabuntong-hininga.
"Dahan-dahan? Eh nung naglaro ka ba sinabi mo sa kalaban mo na dahan-dahan?" pagmamaktol niyang sagot.
"Para sa grades naman yon eh," sagot ko sa kanya.
Napanguso ako at hinawakan ang binti ko habang ina-angat niya yun palapit sa kanya.
Hindi ko binanggit sa kanya na si Theo ang nakalaban ko. Baka ipalipat niya ako ng school sa gitna ng klase.
Tsaka nag-eenjoy na ako sa Class Zero!
"Mag-ingat ka naman sa susunod. Paano kung mas worse pa ang nangyari?" Tumango ako kay Kuya at hinayaan siyang ikot-ikotin ang paa ko.
"Aray...aray!" I whined habang iniikot-ikot niya ang paa ko. "Aray! Kuya!" sigaw ko pagkatapos niyang hilahin ng biglaan ang paa ko.
"Psh." Nilagyan niya ng cast ang binti ko para daw hindi sumakit.
"Huwag ka nang masyadong maglikot baka mapano pa yan," saad ni Kuya.
Tiningnan ko ang benda sa paa ko at huminga ng malalim.
"Sir, may bisita po kayo!" sabi ng mayor doma ni Kuya.
Nagpalitan kami ng tingin. "May bisita ka bang pupunta dito ngayon?"
Napatingin ako kay Kuya at dahan-dahang umiling. "Who could that be then?" he whispers.
Kinuha niya ulit yung binti ko at pinatong yun sa coffee table ng dahan-dahan at binigyan ako ng throw pillow bago siya lumakad palabas ng bahay.
Sinundan ko siya ng tingin at nagningning ang mga mata ko nang maagilap ko ang Class Zero sa may gate.
Palihim akong binati ng iba kaya binati ko din sila ng ngiti.
"Why?" malamig na tanong ni kuya.
Apaka sama talaga.
Ganyan na ganyan siya tuwing bibisita ang Class Zero dito sa bahay.
"We're here to visit our muse," kalmadong sagot ni Shannon.
"She's doing well. You can go."
"Pero kakarating lang namin!" singit ni Carlo.
Tama! Kakarating lang nila tas paalisin na sila ni Kuya. Hmp!
Nagtitigan muna si Shannon at Kuya bago lumingon si Kuya sa akin.
Nginitian ko siya kaya napa-irap siya at tumabi sa daanan.
Nagsimula nang pumasok silang lahat at nagtulakan papunta sa sala. Umupo sila sa couch ni Kuya at inilatag ang mga dala nilang pagkain sa sahig habang nakatingin sa akin.
"Kamusta na binti mo?" tanong ni Quintin.
"Ayos na naman...." I smiled.
"Dito mo ilagay yung pizza! ako bumili niyan ih," ika Nestor.
"May ambag din kaya kami! lah!"
"Joseph pahiram ng plato, kutsara, at tinidor," utos ni Shannon.
Tiningnan siya ng masama ni Kuya kaya napangisi ako.
Tumingin si Kuya sa akin at umirap. Pumunta siya sa kusina para maghanda ng mga utensils.
Kaya love na love ko si kuya eh!
Kahit meron siyang hindi pagkakaintindihan sa Class Zero, pinipilit niya pa rin ang sarili niya na maging approachable sa kanila.
"Call me when you need me," sabi ni Kuya at hinalikan ako sa noo bago siya pumunta sa itaas.

BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...