Chapter 56: Do you like him?

36 5 0
                                        

REINA JOY

"Mauna na kami! See you next week!" sabi ni Paulo bago sumakay ng taxi.

Nagpaalam din ako sa kanila at lumihis ng daan kasama si Carlo. 

Tinatanong niya ako kung bakit daw natagalan ako sa CR at bakit basa ang mukha nung lumabas ako. 

I told him everything and kanina pa siya tawa ng tawa.

Mukhang na hurt ko daw kasi ang feelings nung mga alipores ni Theo. 

Napangiti naman ako kasi totoo ang sinabi niya mukhang na hurt ko nga sila. 

We're walking home and i'm not wearing a mask anymore. 

Siguro dahil nakabawi ako? I feel better

Hindi man natamaan nun si Theo pero atleast! 

Namula ang mga mukha nila sa galit at sapat na yon sa akin.

"Oh! Ba't hindi mo na suot yang mask mo?" 

Nakakunot noong tanong ni Kuya habang kumakain ng chicharon at nanunuod nung Conjuring 3.

"KUYANG JOSEPH! HINDI KA MANINIWALA SA GINAWA NI REN-REN!"

Kinuwento ni Carlo yung nangyari kanina and I guess this meme represents the two of them right now.

Kinuwento ni Carlo yung nangyari kanina and I guess this meme represents the two of them right now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumiretso ako sa kwarto para magbihis at kinuha ang libro na binili ko at nilagay sa bookshelves. 

Mahilig ako sa libro when I was a kid and most of my books are in the house minsan ay nawawala lalo na yung mga paborito kong libro at kaya pala nawawala yon sa kwarto ko kasi kinukuha ni Kuya at kinokolekta niya dito.

Hindi niya nga to pinapasukan tong kwarto ko kahit dati pa e. 

Mabubuksan lang tong kwarto ko sa bahay niya tuwing pupunta ako dito at dito ako matutulog.

Tuwing bored si Kuya, nagnanakaw siya ng mga gamit ko sa bahay at saka kinikoleksyon niya dito sa bahay niya kasi namimiss niya daw ako. 

Wala lang din naman yun sa akin. Kaya nga ang dami kong damit at gamit dito sa bahay dahil nangongoleksyon siya.

Nandito ang mga medals ko nung elementary pa ako, nasa bahay sa San Martin ang medals ko nung high school. 

Ang mga dating drawings ko nandito din. 

Naka white wallpaper ang kwarto ko, ang favorite kong study table andito at gamit ko ngayon, yung laptop na bigay ni mom dito rin.

In Conclusion, Kuya is a magnanakaw, and Kuya's house is my second home.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako sa kwarto and I saw the amahin kasama yung itlog niya nagtatawanan sa sala sa baba. 

Mukhang tapos na din si Carlo sa kwento niya kaya nagtatawanan na silang dalawa ngayon.

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon