Chapter 71: Linggo Ng Kabataan?

19 3 0
                                    

REINA JOY

Umuwi ako ng San Martin hindi para tumakas dahil sa ginawa ko kundi para magpakalayo layo habang naiinis pa ako. 

I'm so disappointed at him. 

Bahala siya sa buhay niya, konting hipo, bibigay na kaagad.

"Kumain ka na, jusko. Ba't hindi ka pa naligo," 

Nginitian ko si Mama at tinigil ang panonood ng My Love, Enlighten Me sa TV at naglakad papuntang kusina.

"Bakit ikaw lang pumunta? Asan kuya mo?"

"Ewan." 

Kumuha ako ng shrimp na luto ni Mama at kumain ng nakakamay, pinagalitan nga niya ako nung una pero makulit ako kaya wala siyang nagawa kundi pabayaan ako. 

At saka tama si Carlo, masarap nga kumain ng shrimp pag nagkakamay hehehe. 

Lalong lalo na daw pag fried chicken tas toyo at suka? 

Heaven daw! 

Ma try ko nga yun sa susunod.

"Kelan uuwi si Dad?"

"Darating na yon, anong oras na ba? Alas 7 na, pauwi na yon." 

Tumango ako at binalatan ang shrimp habang naka seat like an indian sa upuan ko.

"Ano ba ang nangyari at nakauwi ka dito?" 

Isang mataas na nguso lang ang sinagot ko kay Mom kaya hindi na siya nagtanong pa.

Pagkatapos kong kumain, humingi ako nung natirang shrimp at nagpatuloy sa panunuod ko ng C-Drama. 

Gustong gusto ko tong drama na to kasi bet na bet ko yung attitude nung babae hehehe masayahin tas palangiti. 

Yung best friend niyang cheater ang kinaiinisan ko. 

Ampucha selfish eh!

Bumukas ang gate kaya napatayo ako sa upuan para salubungin si Dad— 

"Thank God you're here." 

Inirapan ko si Kuya at bumalik sa upuan ko. 

Kumain ulit ako at tuwing lalapit siya sa akin lalayo ako o hindi kaya'y tutulungan ko si Mom sa ginagawa niya para hindi lang niya ako makausap.

Wala ako sa mood na kausapin siya kasi naasar pa rin ako sa ginawa niya. 

Pwede naman niyang pigilan si Keahnna, bakit hindi niya ginawa? 

Tanga ba siya? 

Hinipuan siya tapos okay lang sa kanya!? 

Borikat din pala siya eh.

"Ano na naman nangyari sa inyo ng kuya mo?"

"Borikat yon,"

"Yang bibig mo ah. Saan mo yan natutunan?"

"Sa mga bata hehehehe ang cute diba? borikat, borikat!"

"Reina Joy!" 

Tinawanan ko si Mama at inarrange ang mga platong hinuhugasan niya. 

Hinilamos niya sa mukha ko ang basa niyang kamay kaya napa-atras ako at pinunasan ang mukha ko.

"Puma itaas ka na at magbihis. I heard na LNK na sa JM." 

"Ano yan?"

"Linggo Ng Kabataan?" 

Ahhh 

"Hindi ko alam hehehehe"

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon