REINA JOY
"You can't drink nga,"
"Even one glass lang?"
"No. You'll get wasted,"
"But Kuya-"
"No. And also, you're still underage,"
Napanguso ako at kinuha ang juice sa mesa.
Gusto ko din nung cocktail na iniinom niya.
I swear pag mag dedebut na ako, iinomin ko lahat ng yan!
Nacucurious ako sa lasa eh pero ayos lang!
Maiinom ko rin yan soon.
"Gusto mo tikman akin, Ren?"
Tumayo ako sa upuan ko at lumapit kay Carlo na inistir yung inumin niya.
"Ano yan?"
"BUKO JUICE!"
"AYOKO NGA NIYAN!"
Ang tamis niya mag gawa ng buko juice!
***
It's already 6 pm nang magsi-uwi kami. Syempre anak mayaman ang Class Zero kaya may kanya-kanyang Car sila.
"Byeee!!"
"Ingat kayo!"
"Kayo rin!" Nginitian ko si Luiz.
"Kitakits bukaas!"
"Opoooo! Mag bathing suit ka!"
"Ken!" sabi ni Kuya at piningot ang tenga ni Ken.
Pft.
Kahit biro lang ang protective niya pa rin.
Nagsipag-alis na sila kaya sumakay na ako sa kotse ni Kuya at nilagay sa hita ko yung mga binigay nilang gifts sa akin.
Si Kuya naman sumisilip sa mga hawak ko habang nagmamaneho na akala mo birthday ko sa dami ng regalo.
"YAWA! ANO TOh!"
Kinuha ko yung bigay na regalo ni Carlo na two piece.
Piste!
"Don't wear that. That's disgusting!"
Hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak dahil dito at sa reaksyong binigay ni Kuya sa akin.
"Wala din akong balak no!"
Nang makarating kami sa bahay, tinulungan na ako ni Kuya na magdala ng mga regalo ng Class Zero at saka kami sabay na pumasok sa loob.
Binati kami nung mga katulong ni Kuya at tinanong kung kamusta na daw ako, sinagot ko naman sila bago kami pumunta sa kwarto.
Mag u-unboxing tayo ang rami kasi nilang binigay tas ang iba ay mabibigat pa. Huwag niyo na itanong kung anong binigay ni Shannon! Pero sige sasabihin ko nalang, sa kanya yung pinaka-mabigat, alam niyo kung bakit?
Malaking Bato lang naman yung binigay niya!
Pucha talaga!
"Hmm... pouch?"
Binigay ni Kuya sa akin yung supreme na pouch bag galing kay Mara at ngumiti.
Napatingin ako kay Kuya na nakanguso habang tinitingnan yung pouch.
"Gusto mo sa'yo na? favorite mo to eh,"
Napalitan ng ngiti ang nguso ni Kuya at dali-daling tumango.
Nilagay niya sa leeg niya yung pouch at nagbukas na naman.
"Halaaaa!"
Kinuha ko yung box ng Dolce & Gabbana galing sa box ni Quintin at binuksan yun ng mabilisan.

BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...