REINA JOY
Pumasok ako sa klase at sakto rin na kakarating ni Sir Contemporary.
Kinuha ko ang bag ko sa tabi ni Carlo pati yung baton ko at naghanap ng mauupan na malayo sa kanilang lahat.
Napansin kong walang nakaupo doon sa pinakahuling upuan malapit sa ika-apat na pinto kaya don ako pumunta.
Okay lang kung nandito ako kasi naka-lapel naman si Sir kaya naririnig ko parin yung discussion niya.
Tinawag na niya yung mag-pe-perform sa harapan at pinanuod ko silang magtawanan at mag-acting-actingan sa harapan.
"Ms. Fuentes?"
"Wala akong performance, Sir."
Totoo naman.
When I got home last night, hindi ko na naisip na may performance task palang gagawin kaya hindi ako nag practice.
Ang sakit kasi ng katawan at paa ko.
"You're 0 for today."
Nagtawag na naman ng mga group si Sir at ayon sila nakangiti sa harapan.
Napapangiti din ako pero kaagad din yong nawawala tuwing iniiwasan nila ako ng tingin.
***
"Here. Aanhin mo ba yan?"
Tanong ni Kuya habang binibigay sa akin ang eco bag kung nasaan yung mga binigay ng Class Zero.
"Foundation day nga."
"Ang bait mo naman at regalo ng mga kaibigan mo ang ibibigay mo."
Inirapan ako ni Kuya at umalis na.
Kaibigan ko sila,
Kaibigan nga ba nila ako?
Kinuha ko ang laptop na bigay ni Carlo at yung cellphone syempre at saka dinelete ang mga files ko don.
Pumasok ulit ako sa loob ng classroom at nilagay sa ilalim ng upuan ang eco bag at habang nag lalunch sila.
Nilapag ko sa mga armchair nila yung mga pinabibigay nila sa akin nung celebration.
Pati yung bato na binigay ni Shannon binalik ko sa kanya.
Ayoko mag keep ng bagay knowing na may galit ang may ari nun sa akin.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
