REINA JOY
It's 8 am and Kuya drop us at San Martin and here I am with my mask on.
Nakahawak lang ako sa braso ni Carlo kasi siya naman ang may gusto nito.
"You can go to the school, Carlo, and ask some teachers and faculty or anyone. They know her,"
Napatungo ako at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Carlo.
Nagmaneho na paalis si Kuya kasi may klase pa siya kaya nagsimula na kaming maglakad.
Tumingala ako kay Carlo, pati siya nakamask para daw hindi ako mahiya na ako lang ang nakamask, nawala ang pagiging hyper niya at mukhang sineryoso niya ang trabaho niya ngayon.
"Mangga po?" tanong nung babaeng suki ko pag bibili ako ng mangga.
"Magkano po ang mangga niyo?"
"5 pesos lang iho!"
"Pabili po~"
his charming voice is back.
Kinuha ni Carlo yung wallet niya at nagbayad kay Ate at saka binigay sa akin ang mangga na binili niya.
Hinawakan ko naman yon at tumingin sa daan.
"Kilala niyo po si Reina Joy Fuentes?"
I swallowed the lump in my throat.
Nagsisimula na siya.
"Ah! Yung babaeng porselana ang balat na maganda? Suki ko ang babaeng yon dito! Ang bait na bata nga kasi may pa-tip pa siya tuwing dito siya kakain ng mangga!"
Napangiti ako at kumuha ng mangga at palihim na kinain yon.
"Asan po siya ngayon?"
I'm here beside you, Carlo.
"Hindi ko nga alam. Hindi ko na siya nakita dito....sabi nila lumipat na daw siya. Sayang nga kasi maraming nagkakagusto sa kanya dito, napaka masayahin niya kasi at bungisngis!"
Natatawa pa si Ate habang naghihiwa ng mangga para kay Carlo.
Dalawa kasi yung binili niya.
"Lumipat? Bakit po?"
"Hay nako, Hindi ko yan alam. Namimiss ko nga yung babaeng yon," sabi ni Ate, "Dahil sa kanya maraming bumibili ng mangga sa akin,"
Pagkatapos niyang maghiwa ay binigay niya kay Carlo ang mangga at nagbayad naman si Carlo.
"Salamat pooo~"
Nagpasalamat din si Ate at saka kami lumakad papasok sa San Martin.
"Pati dito kilala ka pala? Naks."
Hindi ko na sinagot si Carlo at kumain ng mangga ng palihim.
Baka kasi may makakita sa akin.
Dumiretso kami sa park kung nasan yung favorite kong swing at umupo don.
Meron ring mga estudyante na nag stambay dun.
"Ang ganda niya talaga!"
"Hay nako! Sinabi mo pa!"
Dumaan sa harapan namin yung mga estudyante kaya tumayo si Carlo para chikahin sila.
"Kilala niyo siya? Talagaaa?"
"Oo, Kuya! Wallpaper ko pa nga siya ehh!"
They are talking about me.
"Ang ganda niya naman kasi talaga! By the way, anong alam niyo sa kanya?"
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
