Chapter 95: Class Zero's choice

28 2 0
                                        

REINA JOY

"Hindi ka ba papasok? Anong oras na oh" 

Maingat akong umupo sa higaan ko at heto si Kuya nakaupo sa kama ko at inayos ang gulo kong buhok. 

"Ang init mo. Ayos ka lang ba?" 

Tumango ako kay Kuya at tumayo sa higaan ko para maligo.

"I'll wait downstairs okay?"

"Oo po."

Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa CR para maligo. 

I'm really not feeling well today. 

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ang bagong laba kong uniform. 

Nag apply na naman ako ng salonpas sa buong katawan ko.

Bahala na kung pagtatawanan nila ako. 

Ang sakit talaga ng buong katawan ko, lalo na tong paa ko. 

Apaka sakit e lakad pero I need to force it kasi hindi ko pa na ayos yung throw ko.

Yesterday, I was scolded every single time to the point na gusto ko nang mag quit pero nakita ko ang Class Zero na nanunuod sa akin kaya I fought back kahit hindi ko yon na ayos at the end.

"Let's go?" tanong ni Kuya. 

I was about to answer him pero he press his finger in my lips. 

"Don't argue anymore. Sasabay ka sa akin," sabi ni Kuya. 

Napairap na lang ako at naglakad papuntang kusina para kumuha ng gamot bago sumunod sa kanya sa labas. 

Ang baton ko, as usual, nasa backseat niya.

I tilted my head nang may isang kotseng huminto sa harap namin. 

Tumaas ang kilay ko nang makilala ko kung sino ang may ari non. 

This beach again.

"Wala si Kuya. Umalis ka na."

"Reina Joy..."

"Alis." 

Tumingin si Keahnnang haliparot kay Kuya na nasa driver's seat at walang nang nagawa kundi inikot ang manibela ng kotse niya at umalis.

Sumakay ako sa passenger seat at sinuot ang seatbelt ko. 

Nagsasalita si Kuya habang nagmamaneho pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil sa sakit ng ulo ko. 

Gusto kong matulog.

"Are you really sure you're okay?" tanong ni Kuya. 

I nodded my head. 

"We're here,"

Kinuha ko ang bag at ang baton ko. 

He was about to touch my forehead again pero mabilis akong umilag at lumabas ng kotse niya at nagpaalam.

"BE CAREFUL!" 

He screams as I ran inside the school.

Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko at dumiretsong cafeteria para bumili ng tubig. 

Feeling ko ang dry ng lalamunan ko at kailangan ko uminom ng tubig at syempre para inumin ang gamot na ninakaw ko sa bahay ni Kuya.

Kinuha ko ang pitaka ko para kumuha ng pera at binigay yon sa bagong dating na tindera. 

"Mineral water po." 

Tumango yung tindera at kinuha ang pera ko at binigyan ako ng tubig.

Iniscan ko ang paningin ko sa buong cafeteria at naghanap ng table na malapit lang para maka-inom ako ng maayos kasi baka dumugin na naman ako. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon