Chapter 69: Attention

29 5 0
                                        

REINA JOY

"Kanina ko pa yan pina practice— Kuya naman e huwag ka na kasi sumama!"

Kanina ko pa inaaway si Kuya. 

Gusto niya kasing sumama sa agency ni Luiz para makita niya ang recording ko at para may mai-asar siya sa akin e ayoko kasi alam kong didisturbuhin niya lang ako at saka hindi pa niya sinabi sa akin yung tungkol kay Carlo pero sabi niya sasabihin niya yun kung hindi na ako busy para walang sagabal sa utak ko.

Gusto niya kasi na magfocus muna ako sa mga bagay na dapat kong gawin at kampante naman akong sasabihin niya sa akin yun kasi nangako siya sa akin. 

Pag nangako siya, gagawin niya talaga. Hindi katulad nung iba na mangangako tapos hindi tutuparin.

"No. Sasama ako," he argued. 

Ginulo niya ang buhok ko kaya wala akong choice kundi ang pasamahin na lang siya total sasakyan niya naman ang gagamitin namin papunta don.

"Kaya galingan mo kung ayaw mong pagtawanan kita," dagdag pa niya. 

Minock ko yung sinabi niya bago siya inirapan.

I'm wearing a checkered jacket layered with my white sleeveless and fit jeans. 

Isa ito sa mga nabili ko kahapon at bagay naman daw sa akin sabi ni Kuya. 

I rarely wore clothes like this, need ko pa ng assurance ni Kuya kung maganda ba because clothes like this aren't really my thing. 

"Hindi ka na ba ginugulo ni Witch?" 

Umiling si Kuya kaya napatingin ako sa kanya habang ina-apply ang eyeliner ko.

"She went earlier..."

"And?"

"You're asleep,"

"And?"

"You know what we did? plok plok?"

"KUYA!"

"HAHAHAHAHAHA!"

Tiningnan ko siya ng masama. Ampucha! Sabi ng huwag— 

"Of course, I didn't entertain her. I can afford to lose her but you? I can't afford to lose you," 

Napangiti ako sa kinurot ang beywang ni Kuya.

"Yiee!! San mo yan natutunan!?"

"Kay Michelle?" O.O

"PUMAYAG NA SIYA!?"

Natatawang tumango si Kuya kaya napasigaw ako sa kotse niya at pinagsasampal ang braso niya. 

KINIKILIG AKO ENEBEEEE! 

"DAMN! Stop that. I'm driving!"

Mabilis akong bumalik sa upuan ko at tumingin ulit sa salamin at saka bumalik sa paglalagay ng eyeliner. 

Good girl ako at ayoko siyang mabad-trip pero I'm so happy na pumayag si Ate Michelle! 

Sabi ko na nga ba eh, papayag yon pag nalaman niya yung dahilan kung bakit need help ni Kuya

And me lowkey hoping na sana maging totoo

Inapply ko ang lip tint ko at hinarap si Kuya. 

Inayos niya naman yung tint na napunta sa kanal ng ilong ko at ang buhok ko and then go back on driving. 

Hininto niya ang kotse sa parking lot na nasa labas ng agency ni Luiz at tinanggal ang seatbelt niya.

"Nandito na tayo," sabi ni Kuya. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon