Chapter 70: Take your hands off

25 5 0
                                        

REINA JOY


Umiwas siya ng tingin kay Keahnna kaya napa buntong-hininga ako. 


Kahit anong gawin niya, ganon pa rin siya. 


Umiiwas ng tingin pag nakikipagtinginan si Keahnna sa kanya. 


He still has her in his head kahit anong gawin niya.


"So, how are you Joseph?" 


Pinatayo niya si Carlo pero sinyasan ko si Carlo na huwag tumayo at mabuti naman sinunod niya ako. 


Wala siyang ibang choice kundi umupo sa tabi ni Carlo, malayo kay Kuya.


"Still alive." 


Kinuha ni Kuya ang cellphone niya at may tinatype doon.


Dumudungaw ako para tingnan kung ano ang ginagawa niya pero nilalayo niya ang cellphone niya at ngumiti ng malapad sa akin.


"Woy! ano yaaan?"


"Secret,"


"Let us see!" sabi ni Luiz.


"Pumapag-ibig! Hope all!" ika Quintin.


"Oo nga kuyang joseph! Huwag madamot patingin."


"Hahahahahaha!" 


Tumayo kaming lahat maliban kay Keahnnang haliparot na naiwan sa table at lumapit kay Kuya. 


Pinagsusundot namin ang tagiliran niya habang binabasa ang message sa cellphone niya. 


Nag message lang naman si Ate Michelle ng Good Morning.


Good Morning din daw enebeee


"Yiieeeee!"


"Sono all!"


ENEBEEE


"Uhm?" 


Ay! 


Andito pa pala tong babaeng to? 


Kala ko umalis na siya pagkatapos namin siyang talikuran.


"Go back to your seats," 


Nakangiting sabi ni Kuya at sininyasan kaming umupo that we obliged pero hindi parin natatanggal ang ngiti sa labi namin.

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon