REINA JOY
Pang-apat ko nang mineral water to at hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo kami dahil sa akin!
Sabi ni Ma'am may last game pa daw and it is this coming sports fest. She is expecting our presence kasi kami ang nanalo sa Grade 11 and hoping na manalo kami against Grade 12.
Yun lang naman ang sinabi niya at dinismiss kami.
"GRABE! ANG GALING MO, REN! AKALAIN MO YUN, NAPAHAMAK KA PERO NAPANALO MO PARIN!" Tumango-tango sila sa sinabi ni Carlo.
Pinaalala niya talaga sa akin yung nangyari huh? Eh kung sipain ko kaya baga nitong lalaking to?
"Pero sino kaya yung lalaki no? Pahamak siya." Tumingin ako kay Henry at tumango.
"Ayos ka lang ba? Wala ka namang sugat?" Umiling ako kay Mara.
Kanina pa nila ako inikot-ikot para ma-sigurado na wala akong pasa dahil sa pag gulong ko kanina sa field. Wala naman silang nakita kaya nakampante sila.
"SIYA! SIYA YUN!"
Napatigil kami sa paglalakad nang makasalubong kami ng isang prof at apat na babae.
Anong nangyayari dito.
"Siya yung namboboso sa amin, Sir!" Napanguso ako sa sinabi ng babae.
"Ren..."
Pinatago ko si Carlo sa likuran ko kasi dinuro-duro siya nung babae.
"Is it true?" tanong nung prof nila. I hurriedly shook my head.
"Anong nangyayari?" tanong ni Shannon sa akin at parang naguguluhan sa nakikita niya.
"Carlo, ano to?" Tiningnan ko ng masama si Mara kasi natataasan niya ng boses si Carlo.
"Hindi po 'yon totoo sir, nandon po ako," I said in defense kay Carlo pero tinawanan lang ako nung mga babae.
Aba! sinong nagsabi na pwede nila akong tawanan?
Mga punyetang pussy 'to ah!
"Wala ka nung nangyari yun! At totoo na namboboso siya!"
"Pwede ba itikom mo yang bibig mo? Wala kang ebidensya na namboboso siya sa inyo!" naramdaman ko ang paghawak ni Carlo sa damit ko kaya napalingon ako sa kanya.
Umiling siya at nagtago ulit sa likod ko.
"Meron kaming ebidensya! Sir, pumasok po talaga siya! Nakita ko nga siyang sumilip sa butas! Kitang-kita ko at napicturan ko siya."
Anong pinagsasabi ng babaeng to? Eh hindi ko nga siya nakita kanina nung nakipag-away ako sa mga kasama niya. Sino ba tong shutang 'to?
"Yan din po ang ginawa niya last year!"
Talaga ba?
"Asan yang sinasabi niyong picture?" tanong ni Quintin at nilagay ang kamay niya sa kanyang beywang.
"N-nasa phone ko!"
"Then, asan ang phone mo?" Jasper asked.
"Alam mo, Miss. Makapal ang make-up. Hindi ko ipagtatanggol tong kasama ko kung meron talaga siyang ginawa na hindi maganda. I've been in Class Zero for a months already at alam niyo naman siguro kung gaano ka-ikli ang palda natin hindi ba?" Pati yung prof nila ay tumango sa sinabi ko.
Totoo naman!
"And yet, I never saw him lay his eyes on my legs tuwing papasok ako ng school nor my chest tuwing nagbibihis ako for our PE lalo na kapag punuan sa CR at wala akong ibang choice kundi magbihis sa classroom NAMIN. Kaya paano niya kayo bobosohan na ako nga mismo na kaklase niya, hindi niya kayang bosohan?"

BINABASA MO ANG
Hi Flower
JugendliteraturShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...