Chapter 39: The day

47 11 0
                                        

REINA JOY

"Gising na," 

Napatakip ako ng kumot sa mukha dahil nilalaro ni Kuya yung butas ng ilong ko. 

Ipasok ba daw feather ng manok? 

"Kuya!" tumawa ng malakas si Kuya at kiniliti yung tenga ko kaya tinakpan ko din 'yon.

"Gising naaa!"

"Inaantok pa akoo."

"Ayaw mo talaga gumising?"

I shook my head.

Humiga si Kuya sa tabi ko at saka sinimulang kilitiin ang kili-kili ko

"HAHAHAHAHA! Kuyaaa!" 

Hindi pa 'yon sapat sa kanya at kiniliti na naman ang leeg ko kaya humagalpak ako kakatawa at hinawakan ang kamay niya.

"Babangon ka or kikilitiin ko yang paa mo?"

"Ito naaa! babangon na!" 

Ginulo niya ang buhok ko at tumayo galing sa pagkakahiga sa kama ko habang tumatawa at lumabas ng kwarto.

Pagkatapos kong magligpit ng kama, dumiretso ako sa banyo para maligo. 

Pagkatapos kong maligo hinanap ko yung favorite kong Maroon long sleeve v neck scallop knit top at guess skinny jeans.

"Good morning Ma'am!" 

Nginitian ko yung mga maid ni Kuya.

"Si Kuya po?"

"Naliligo pa po, Ma'am," sagot nito at bumalik sa ginagawa niya. 

Kukuha sana ako ng plato nang may maalala ako. 

Umakyat ako sa kwarto ni Kuya at kinatok ang pinto ng banyo niya.

"What?"

"Peram PPE mo"

"Gagamitin ko." Shooks!

"Sasali ka sa cooking contest?!"

"Obviously,"

Lagot...

"MAGKALABAN TAYO!?" 

Binuksan ni Kuya ang pinto ng konti at inilabas ang mukha niya na may sabon. 

"Sasali ka din?" 

Ngumuso ako at tumango.

"Good luck to you then, manghiram ka kay Ate Dom. Marami siyang PPE." At binagsak niya yung pinto.

Salbahe talaga!

Bumaba ako at hinanap si Ate Dom, yung mayor doma ni Kuya. 

"ATE DOM!!"

"Yes Ma'am?"

"Sabi po ni Kuya, marami po kayong PPE? Pwede po ba humiram?" 

"Apron andyan na, Mask, Hairnet, Gloves. Kumpleto na po yan," sabi niya sa akin at saka tinuloy ang ginagawa niyang pagluluto.

"Salamat poooo!" 

Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at sinarado ang pinto.

Kinuha ko yung bag ko na ginagamit ko noong high school at doon nilagay ang PPE. 

Kumuha din ako ng extra t-shirt in case gusto ko magbihis at syempre, yung susuotin ko sa Jingle Contest namin.

Nagdala din ako ng sunblock in case tas ang wallet ko. 

"Oh shoot! Allowance pala." 

Tumakbo na naman ako palabas sa kwarto at pumasok sa kwarto ni Kuya. 

Sakto na tinary niya yung shirt niya at nakatayo sa harap ng salamin nung pumasok ako.

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon