REINA JOY
"You are doing it, wrong baby girl. Watch me okay?"
Tumango ako kay Sir Erol.
Kinuha niya ang baton niya and starts dancing.
We're soaked in the rain pati yung drum and lyre namin.
Ang cool nga e kasi rain or shine kaming nag-pa-practice.
"Para ka lang naglalakad habang tinutwirl ang baton mo sa ilalim ng legs mo pero dapat malalaki ang hakbang mo," turo ni Sir Erol.
This time, maliit na baton na ang gamit ko.
Dalawang baton ang nandito, yung malaki na ginagamit ko ng ilang araw tas itong maliit.
Merong baton na hawak si Sir at ako rin.
Ginagaya ko yung ginagawa niya habang pinupunasan ang mukha ko dahil sa ulan at kinagat ang labi ko kasi natatamaan nung ulo ng baton ang thighs ko.
"No, you're doing it wrong again. Kneel your other leg nga?" he said.
Pinunasan ko muna ang mukha ko at iniluhod ang isa kong paa.
"Then twirl the baton from your left hand and then receive sa kabila."
Ginawa ko ang sinabi ni Sir at syempre dinahan dahan ko muna pag ikot ang baton ko kasi baka matamaan na naman ang binti ko.
"Ayan! And then lift you kneeled knee slowly..."
Dahan-dahan akong tumayo galing sa pagkakaluhod habang umiikot ikot ang baton sa mga kamay ko.
"Dahan-dahan lang," he reminded me, which I obliged..
"Aruy!"
Napahawak ako sa binti ko nang matamaan yon nung ulo ng baton.
"Dahan-dahan lang kasi," sabi ni Sir atsaka minasahe ang binti ko.
"Let's practice that tomorrow na lang since it's raining heavily na."
Tumango ako kay Sir Erol.
"Dismiss."
Kinuha ko ang dalawang baton ko sa lupa at saka tumakbo paalis sa field.
Hindi lang naman ako ang tumatakbo ngayon, pati si Sir Erol at mga drum and lyre members tumatakbo para magpasilong sa covered court.
Dapat talaga sa covered court kami pero umeecho kasi yung sound baka makadisturbo kami sa mga klase ng mga estudyante kaya sa field na lang.
Hinubad ko ang blazer ko at piniga yon.
Habang sila Sir Erol ay inaayos ang mga instruments at pinatulo ang tubig.
Nagtakbuhan rin yung mga estudyante dahil sa ulan kasi wala silang dalang payong and my eyes darted to Class Zero na pina-payongan si Mathrica at Theophany.
They turned their heads in my direction pero kaagad ring umiwas ng tingin at naglakad paalis maliban kay Nestor na nagpaiwan sa gitna ng ulan.
Hinintay niyang makalabas sila ng gate bago siya tumakbo sa akin.
"Here... gamitin mo,"
My lips parted dahil sa ginawa ni Nestor at hinawakan ang payong na bigay niya.
"S-Salamat."
Ba't ako naiiyak?
Ngumiti si Nestor at hinawakan ang kamay ko bago siya tumakbo sa gitna ng ulan at sumunod sa mga kasama niya.
Napayoko ako at pinunasan ang luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata ko.
***
"Drink this coffee."
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Genç KurguShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
