REINA JOY
"Shutacca?"
Tinawanan lang nila ako kaya napanguso ako at tinuloy ang pagkain ko.
Inubos nila yung ulam ko kaya inubos ko yung mga gravy nila.
Binibigyan naman nila ako nung manok barter daw sa gravy.
Pagkatapos namin kumain, sakto rin na pumasok si Mathrica kasama si Theo and her alipores.
"Bakit ka andito? Hindi ba may suspension ka?"
Nginitian ko si Theo.
Mukhang hindi pa ata sapat sa kanya yung ginawa ko at gusto pa niya ng bagong suntok pero dahil mabait ako ngayon, papabayaan ko na muna siya.
Hindi ko siya sinagot at inayos na lang ang bag ko at pinasok dun ang walang laman kong baonan.
"Love... "
"I'm done taking my lunch,"
My head lifted to Quintin's area who is cleaning his table at kinuha ang mga empty box ng boys.
"But wala akong kasama kumain,"
Nakangusong sabi ni Mathrica.
"Not my problem."
I raise my brow dahil sa inasta ni Quintin sa jowa niya at tumingin kay Carlo.
"Ano meron?" I mouthed at him.
"Hindi ko alam eh. Tara na?"
Tumango ako at nilagay sa balikat ko yung ba.
Tumayo si Carlo, Gino, Jasper, at Ivan kaya tumayo na din ako at kinuha ang dalawang baton ko.
"Tara na," sabi ni Carlo.
Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at sumunod kanila Carlo sa labas.
Hindi rin naman nagtagal, sumunod rin yung iba at parang nung first day of school, nakapalibot sila sa akin at nag-uusap ng kung ano-ano.
Yung iba naman nasa likuran at naglalaro ng ML para daw sa contest since kasali nga sila, at sila ang representative ng JM University so dapat lang na galingan nila no!
Tumingin ako sa laro nila Shannon kasi nasa tabi ko lang yung ugok.
So far, ang laki ng agwat nila dun sa kalaban.
Sampung kill na sila tas sa kalaban 3 pa.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
