Chapter 102: Salty and Sweet

26 4 0
                                    

REINA JOY


Tumakbo ako paitaas at nilakihan ang mga hakbang ko kasi nagugutom na ako at kukunin ko pa yung baonan ko kasi nagbaon ako nung niluto ni Kuya na Arroz Caldo. 


Sayang kaya noh! Ang sarap kaya ng luto ni Kuya.


Dumiretso ako sa ikaapat na pinto at tumingin sa loob. 


I squinted my eyes nang makakita ako ng dalawang babae sa loob ng classroom. 


I'm so sure it's Mathrica and Theophany. 


"Hindi niyo man lang sila pinagsabihan?" 


I overheard. 


"We did"


"And what happen?" 


"Wala. It's out of our league na pilitin sila." 


"Edi sana si Reina Joy nalang ang pinagsabihan niyo!"


Nilean ko ang tenga ko sa pinto para pakinggan ang usapan nila. 


"We can't do that and that's against our plan," 


Plan? 


Anong plan?


"Hindi niyo nga siya napaalis dito diba? That's our main plan."


"Why do you think we'll do that? we don't even want her to leave."


"GUSTO NIYO BANG IBUNYAG NAMIN ANG MGA SEKRETO NIYO?!" 


Pinihit ko ang door knob na ikinagulat nilang lahat. 


"Anong sekreto?" 


Tiningnan ko sa mata si Theophany na nakapamewang habang nakatayo sa harapan.


"Ren-"


"Anong sekreto? Anong plano?" 


Nilapitan ko si Theophany na ngayon ay nakatingin sa kasama niyang burikat na si Mathrica. 


"Kayo ba may pasimuno nito? Did you manipulated them?" tanong ko. 


"SAGUTIN NIYO KO!" I exclaimed. 


Kaya pala! 


Kaya pala parati silang andito kasi may binabalak sila sa akin.


Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon