REINA JOY
Hindi ko alam kung galit ba siya or ano. Hindi na ako kinausap ni Quintin pagkatapos yung sinabi niya kanina.
Wala naman akong ginawa!
Umupo ako sa upuan ko nang makarating kami sa classroom.
"Kayo magchecheck?"
Tumango ako kay Carlo at tinupi ang mga papel at pinasok sa bag ko.
Pumasok na si Ma'am PE at may exercise na pinagawa na naman sa amin at short quiz.
Tungkol lang naman sa mga exercise yung quiz kaya ayos lang kung stock knowledge lang gamitin ko.
After ng klase, sumama si Franco, Dean, Eugene, Luiz, Carlo at Gino sa akin sa field dahil panunuorin daw nila ako.
Hindi lang naman sila ang andito, marami.
Kinakabahan nga ako kasi mukha akong magsho-showdown at sila ang audience.
Binati ako ni Kuya at tinapp yung bench niya.
Nagsiupo yung mga itlog niya dun kaya binigay ko sa kanya ang bag ko at tumakbo papuntang gitna kung nasaan si Sir Erol.
Naka Jogging pants na ako ngayon at jacket kasi alas 3 na ng hapon at ang init init ng earth.
Hindi naman literal na marami ang andito, na occupy lang yung dalawa o tatlong bench.
"Ba't ang daming tao Vice?" tanong ni Sir Erol.
"Uhm... they wanted to watch her? I tried to stop them pero gusto talaga nila na pumasok, some want to watch and some want some peace."
Tumango si Sir Erol.
"Are you famous?"
Mabilis akong umiling at inayos ang bangs ko.
"Hindi po!"
Tumango ulit si Sir Erol at pinapunta na ako sa harapan.
"Do the twirl again, langga."
May hawak din siyang baton at inikot ang kamay niya katulad nung tinuro niya na ginaya ko naman.
Natatamaan ang noo ko kasi naman!
Apaka haba nitong baton at ang liit liit ko kaya natatamaan ako.
May biglang humawak sa baton kaya napatingala ako.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Fiksi RemajaShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
