REINA JOY
Today is Sunday and I'm with Kuya dito sa San Martin.
Pinapunta kami ni mama dito kasi may ibibigay daw siya sa amin at akala ko kung ano yung ibibigay niya, aso lang pala.
"Ingatan niyo yan! Bigyan niyo ng pangalan okay?"
I nodded my head habang karga karga ang bago kong baby hehehehe
"Ano ipa-pangalan mo diyan?"
"Covid,"
I said without hesitation.
"Co— ano?"
Tumingala ako kay Kuya na napakunot-noo.
"Covid. Ganda no?"
"Ang panget!"
"Maka panget naman to. Maganda yan! Ma, may leash ba nito?"
Tumingin si mama sa paligid bago tumango.
"Yep meron. I put it here— ayan... Ito."
Kinuha ko kay mama ang leash ni Covid at saka nilagay yun sa leeg niya at inamoy yung furr niya.
Bango ng baby koooo!
"Ito lang ba ang pinunta namin dito? We wasted our 3 hours ride for this hmm furr thing?"
Sinampal ko ang kamay ni Kuya kasi tinuro niya si Covid at tinaasan ng kilay.
"Ang cute niya kaya! Apaka KJ mo talaga."
"Whatever. Halika na."
"Bye maaa! Lab youu!" sigaw ko kay Mama kasi hinila na ako ni Kuya palayo at pinagbuksan ako ng pinto.
Nang makasakay na ako sa kotse ni Kuya.
Sinuot ko na yung seatbelt at nilagay sa lap ko yung baby ko.
"Ilalakad kita mamaya para hindi ka ma ignorante sa mga tao," sabi ko kay Covid.
Hinimas ko ang ulo niya kasi nagsimula nang magdrive si Kuya pero sure akong hindi ito ang daan papuntang JM.
Malay ko ba kung saan kami pupunta no.
Tumingin lang ako sa daan at pinag singkit ng mata yung babaeng may kasamang mga lalaki.
"Anla! Si Jonila yon oh! Sana all determinado sa practice."
Ibinaba ko ang bintana sa side ko at saka binati sila Jonila nag jojogging kasama ang Tigers.
"NAKS! hope all!"
"Hoy!"
Kinawayan ko si Jonila pati ang Tigers bago umupo ng maayos sa kotse at tiningnan ulit sa likuran kasi napalayo na kami sa kanila.
"Saan tayo pupunta kuya?"
I asked pero hindi siya sumagot kasi seryoso lang siya sa pagdadrive.
"Hoy! Kuya?"
"H-huh?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Okay ka lang? Saan ba tayo pupunta?"
"Hindi ba 'to sa JM?" he asked curiously na ikina-kunot pa ng noo ko ng bonggang bongga.
"Nabaliw ka na ba? Naiwan mo ba sa bahay utak mo? Malamang hindi 'to daan papuntang JM."
Napakamot si Kuya sa batok niya bago inihinto ang kotse.
"Sorry,"
Sasagutin ko sana siya pero napahinto ako kasi may puting kotse ang huminto sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
JugendliteraturShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
