Chapter 33: First-ever Fieldtrip(5)

44 11 0
                                        

REINA JOY

Nang lumabas kami sa clinic, may mga students doon na nag-aantay rin dun at tinanong kami kung ano daw ang nangyari. 

Si Jasper umiba siya ng daan para ipasa yung record kay Madame and other staff kasi need nila Madame ng evidence para maparusahan ang mga babae.

They need to learn from their mistakes.

Bumalik kami sa field and Theo, like usual, tinitingnan niya ako ng masama. 

"Ano tinitingnan mo!? PANGET!" sigaw ni Carlo at tumakbo palayo.

Umupo ako sa upuan ko pinanood yung instructor na tinuloy ang naudlot niyang palaro. 

Marami siyang pinalaro sa amin and here's my bud again, Carlo trying to make me smile by changing our instructors instructions. 

Mahina yung boses nung instructor sa area namin kaya minomock niya 'yon. And honestly, It makes me laugh kasi ino-open up niya ang kabobitahan ni Theo at ang kabitteran nito sa akin. 

"Yiieee tumatawa na siyaa!" 

Tinampal ko nga ang braso niya.

Moments after, dumating na si Jasper nang may ngiti sa labi at umupo sa tabi ni Carlo. 

Nag-okay sign pa siya sa akin bago tumingin kay Sir.

"Gusto mo ba pagkain?" 

Tumingin ako sa baba ko. Ngumiti si Benjamin at may inabot sa akin na pagkain.

"Salamat"

"No problem!"

"YUNG AMIN? oy! andugaa ba't siya lang binigyan mo? Paano kami?"

Binigyan ko si Carlo ng burger na bigay ni Benjamin at binigyan rin si Jasper. 

Patty's yung kinuha nila kaya yung tinapay na lang ang natira sa akin. 

Ang salbahe. 

Hindi man lang nagtira ng konting patty para sa akin.

"OKAY STUDENTS!" 

Napatigil kami sa pagkain nang sumigaw si Mr. Vice. 

"SINCE NAPAPANSIN NAMIN NA NABOBORED NA KAYO, WHY DON'T WE STOOD UP"

Ano na naman kaya ipapagawa nila ngayon...

"LET'S HEAD TO THE CENTER!" sigaw ulit ni Mr. Vice. 

Unang lumakad yung instructor at mukhang excited sa mangyayari kasi kanina pa siya nakangisi ng nakakaloko.

Sumunod kami kay Mr. Vice habang heto si Mara kinikilig sa harapan ko. 

"Mag e-exercise na naman siguro tayo," excited na sabi nito.

"Ayoko na mag-bend! Ang sakit ng likod ko"

"Sa'yo lang ba? Pinilit ko lang sarili ko lumakad pagkatapos nung araw na 'yon noh!"

"Hindi nga ako makalakad ng maayos sa hagdanan eh. Para akong lolo!"

"Ba't kasi hindi kayo nag-e-exercise." 

Tiningnan nila ako ng masama kaya nag peace-sign nalang ako at ginapos ang braso ko sa braso ni Carlo.

Time check, it's already 11 am.

Si Ms. President tinatakpan ang mukha niya dahil sa init ng sikat ng araw at si Mr. Vice naman ay nakangiti habang nakatingin sa akin or sa amin? 

Pero nakatingin siya sa akin eh!

May pumasok sa field galing sa kabilang side na may dala-dalang malaking speaker. Yung speaker na ginamit ng mga estudyante kagabi at mga tela? 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon