Chapter 14: Something odd

85 12 0
                                        

REINA JOY

"Ulit!" sigaw ni Ivan.

Kanina pa kaming umaga dito at anong oras na. Gutom na gutom na kami. 

Ito kasing si Ivan, gusto niya na perfect ang mga steps namin. Wala naman akong problema dun pero wala bang break man lang kahit isang minuto?

"Break muna. Nakakapagod sumayaw," sabi ni Shannon at lumakad papunta sa bleacher. 

Sinundan namin siya ng tingin at nagkatinginan bago sumunod sa kanya.

Umupo kami sa bleacher at pinaypayan ang mga sarili namin. Ang init na nga ng panahon, nagpapawis pa kami.

"Hi ate!"

"Hi!" bati ko dun sa grade 7 na lumapit sakin.

"Kayo po ba ang Ms. Nutrition sa class niyo?—Para po pala sa inyo." 

Kinuha ko ang bigay niyang vitamilk at napakunot-noo na rin. 

Paano niya nalaman na favorite ko to? 

Natatawa akong sumagot sa tanong niya. "Sino pa ba?" Ngumiti ito sa akin. 

Nilagay ko muna sa tabi ko yung vitamilk at hinubad ang blazer ko.

"Ang ganda niyo po talaga.... Ano pong skin care niyo?"

Mabuti na lang at hindi ko pa nainom yong vitamilk ko baka nasamid pa ako sa tanong niya.

"Ano lang, hilamos tas matulog ng maaga?" nag aalangan-in kong sagot sa kanya.

"RHEA HALIKA NA!" Napatingin ako dun sa mga kaklase niya. 

"Ano ba yan! Kita nilang kasama pa kita eh," nakangusong dabog nito at tumayo sa bleacher at pumunta don sa mga kaklase niya.

I smile softly.

"Ang bait mo sa mga bata no?" 

Napatingin ako kay Mara at binigay ang vitamilk ko. He nodded his head and took it then tumayo sa tabi ko para idikit ang dulo ng takip ng vitamilk sa bleacher at saka sinuntok yung takip para matanggal.

"Here," he said after he opens it.

"Salamat," I smiles at him and take a sip before answering his question, "I was once scolded by my mom kasi hindi ako mabait sa mga bata. Pinalo din ako ni Kuya dati kasi tinatakot ko ang mga bata and yeah, my dad always taught me to be kind to them dahil sila daw ang pag-asa ng bayan," natatawa kong sagot kay Mara.

"Pinalo ka ng Kuya mo?"

"Hindi lang palo! Iba kasi si kuya magalit pero mas ibang-iba siya kung magiging clingy siya!" Uminom ako ng vitamilk bago tumingin kay Mara.

"I got that. Iba siya kahapon eh. Ibang-iba," sabi niya ng nakakunot-noo. 

"Hindi ka ba nabigla sa ginawa nung kuya mo kahapon?"

Ano nga bang ginawa ni Kuya kahapon? Wala naman siyang ginawa maliban sa pag-aaya sa Class Zero na mag karaoke at mag inuman. Sumayaw-sayaw din sila habang kumakanta si Carlo ng Touch by Touch. 

For me, that's normal for kuya. Ang ikinabigla ko ay pinatulan ng Class Zero si Kuya. YUN yung mas ikinabigla ko. 

Knowing, Class Zero. They don't like to cross path with kuya pero habang pinapanood ko sila kahapon, parang close na close sila kay Kuya. 

Para silang magbabarkada.

"Ako talaga tatanungin mo niyan?" Tumango si Mara at hinintay ang sagot ko. "Mas nabigla ako sa inyong lahat! Akalain mo nga naman.... Ang Class Zero na ayaw makipag halubilo kay Joseph Fuentes, ay pumayag makipag karaoke at uminom kasama siya!"

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon