REINA JOY
"Ilan sa'yo?" tanong ni Carlo sakin at sumisilip sa papel ko.
"Konti nga! Kulit eh!"
Tinupi ko ang papel ko at pinasok sa bulsa ng blazer ko. Ayoko sabihin sa kanya kung ilan ang nakuha kong score kasi na-ba-badtrip ako.
Out of 50, 15 lang nakuha ko. Surprise quiz kasi.
"Ilan ngaa! Sabihin mo na." Iniling ko ang ulo ko at yumuko sa upuan ko.
Umalis si Carlo sa tabi ko at pumunta doon sa mga kaklase ko na ang la-laki ng ngiti sa labi. Huwag lang nila sabihing mas malaki yung score nila sakin ta-tadyakan ko sila.
"Ilan sa'yo Pres?"
"45,"
"Sa'yo, Vice?"
"38."
"Ikaw Orion?"
"Hays...35."
"Talino niyo ah. Quintin?"
"49."
Sana all.
"Talino rin," Carlo said.
Ay punyeta! Sana all matalino no? Joke lang pala yung tadjak :((
And then Carlo proceeded on the back. "Sa'yo Angelo?" Itinaas ko ang ulo ko at inikot ang katawan ko para tingnan si Carlo whose conducting an interview with everybody.
"9."
"HAHAHAHAHA 9 lang sa'yo? Mabuti pa akin!" Tumingin ako kay Ivan.
"Ilan ba sa'yo? Makatawa to ah!" tanong ni Carlo habang nakakrus ang braso.
"10!"
Anak ng puta!
"1 lang naman lamang mo ah! Ampupu!"
"At Least may lamang!"
"Sa'yo Benj?" Itinaas ni Benj ang kamay niya at iwinagayway ang papel niya sa harapan ni Carlo.
"Naks! perfect—HOY GAGO! APAKA FEELING MO! 5 LANG YUNG SA'YO!"
"Hala! Paano nalaman, Carlo boy?"
"Halata kaya na ginuhit mo lang yung zero. Luuh!"
"HAHAHAHAHAHA"
Napa-irap ako sa hangin. Tumawa rin si Franco kaya napatingin ako sa kanya at sa papel na hawak niya.
"Sa'yo Franco, ilan sa'yo?" tanong ko.
"Itoooh!"
Binigay niya sakin yung papel niya kaya tiningnan ko yun. "Isa pa to ang feeling. Anong 100? Hanggang 50 lang yung quiz."
"Ay 50 ba? Hehehe. Hindi ako nainform :'>"
Tumikhim si Orion kaya napatingin ako sa kanya. Tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa harapan ko. "Ilan sa'yo?" he asked.
"Oo nga, ilan ba sa'yo, Reina Joy?"
Nginitian ko sila at tumayo sa upuan ko. "Alam niyo....naiihi ako. BYEEE!"
Kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas ng classroom.
"ANDUGA!"
"HABULIN NIYO!" sigaw ni Shannon.
Napatingin ako sa likuran ko at —May zombie apocalypse sa likuran ko!
Nagtutulakan sila para makasunod sa akin habang sumisigaw ng, "SABIHIN MO NA, REINA JOY!"
"AHH! TULONG!!!"
Tumalon ako sa hagdan pababa ng building namin. I thought I lost them already pero hindi pala! Mas binilisan nila ang takbo nila para maabutan ako at nilibot ang buong SHS campus kakatakbo. Gora lang!
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Dla nastolatkówShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
