Chapter 91: Unusual

23 3 0
                                    

REINA JOY

"Ren!" Napa-kurap ang mga mata ko dahil sa malakas na sigaw ni Carlo.

"Huh?"

"Kanina ka pa tulaley dyan! Halika na. Hinihintay ka ng kuya mo." 

Tumango ako at kinuha ang bag ko sa kamay niya at pina-una silang maglakad because they believe na papractisin ko yung twirl ko but no. 

Nagpahuli ako kasi iniisip ko parin yung narinig ko.

Tumingin ako sa gawi ni Carlo, Mara, Shannon, Quintin na nagtatawanan at nag-aasaran. 

Anong meron sa apat na to? 

Nacucurious ako kung ano ba talaga ang nangyari sa class nila dati.

Sumasakit ang ulo ko dahil dito sa mga pinag-iisip ko.

Bumaba kami sa hagdanan at sakto ring bumalik sila Theo sa itaas at dinapuan ako ng tingin. 

Inirapan lang nila akong dalawa kaya sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa Class Two.

"Hoy." 

Napalingon ako kay Mara at ngumiti.

 "Okay ka lang?"

"Ahh? O-Oo." 

Kinuha niya ang baton na hawak ko at saka kami dumiretso sa exit. 

Don daw nag-aantay si Kuya at para rin masigurado nila na makauwi ako ng maayos. 

Natrauma daw kasi sila don sa sinapit ko at ayaw nilang mangyari yon ulit sa akin.

Nagsakay na sila sa mga sasakyan nila nang makita nila si Kuya. 

"Una na kami," sabi ni Mara at binigay ulit ang baton sa akin.

"Ingat kayo" 

Tumango si Mara at dumiretso sa kotse niya.

Ako parati ang angkas ni Nestor sa motor niya pero ngayon, si Shannon ang naka-angkas sa kanya. 

Si Carlo naman sinundo ng nanay niya kasi may pupuntahan daw sila. 

Si Quintin nakatayo lang sa kotse niya hawak-hawak ang cellphone niya so mag-isa lang ako sa kotse ni Kuya.

Sinuot ko ang seatbelt ko at nilagay yung baton sa backseat. 

Hindi ko yon dinadala sa loob ng bahay kasi baka mamisplace ko. 

Doon ko siya nilalagay sa kotse ni Kuya total siya naman nagpaparemind sa akin tuwing nakakalimutan ko yong kunin.

"You okay? You've been frowning your brows when you stepped out of the school."

"Wala... may iniisip lang."

"Okay then." 

Inistart na ni Kuya ang kotse kaya tumingin ako sa bintana at napa buntong-hininga.

Nakasabayan namin yung kotse ng Class Zero, binababa pa nila ang bintana para kumaway sa amin. 

Excluding Quintin's Car. 

Nahuli kasi yung kanya at nung binaba niya yung bintana ng kotse niya may nakita akong pigura ng babae sa gilid niya. 

Could that be...

"That dumbass." 

Napalingon ako kay Kuya.

"He's like me," 

Natatawang sabi nito habang tinitingnan ang kotse ni Quintin na nauna sa amin. 

"Can't get over with his ex." 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon