REINA JOY
Si Kuya nagpadala ng letter sa prof ko na may lagnat daw ako kaya hindi muna ako makakapasok syempre, bumi-bisita si Carlo dito para makipag bonding sa akin.
Nanunuod kami ng movie at naglalaro ng jackstone at iba pang games na alam niyang laruin na pwede niyang ituro sa akin.
"Hinahanap ka ng Class Zero kelan ka daw papasok," tanong ni Carlo habang kumakain kami ng Watermelon.
"Siguro next week?" Natatawa kong sagot.
Ngumuso si Carlo at saka tumango.
Naglaro kami nung buto ng watermelon na ilalagay sa mukha tas tinatawanan namin ang mga mukha namin.
Pumasok nga sa butas ng ilong ni Carlo ang buto e tas ang akin napupunta sa ngipin!
"Ampucha! Ang laki kasi ng butas ng ilong mo! Ayan tuloy,"
Ngumuso si Carlo at dumungo para ilabas ang buto sa ilong niya.
"Ayaw lumabaaas!"
"Halaka! Tutubo yan sa ilong mo!"
"REN, MAG PA ADMIT AKO!"
Nakatulog kami ni Carlo pagkatapos namin kumain at nang magising ako, sakto rin na kakauwi lang ni Kuya galing eskwela.
Hindi na siya nagulat nang makita niya si Carlo kasi araw-araw na siya dito.
Nag-cutting classes siya para pumunta dito at makasama ako.
Pinagsabihan nga siya ni Kuya pero hindi nakikinig.
Never na niya ako kinakulit sa nangyari sa akin at kay Theo at hindi ko siya narinig na tinanong ako kung may gusto pa siyang malaman.
Siguro those answers, answers his questions about me.
I'm glad.
Si Carlo nakahiga sa couch at yakap-yakap ang unan namin, si Kuya naman nginitian ako at nilagay ang bag niya sa loveseat bago naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig.
Hindi na rin siya nagulat nang makauwi siyang magulo ang bahay. Hahahahaha
"Mukhang napagod kayo kakalaro ah?" tanong ni Kuya nang makabalik siya sa salas.
Tumayo ako para linisin ang kalat sa sala at yung mga kinain namin.
"Nag-aalala siya kasi pumasok sa ilong niya yung buto ng watermelon ayan, nakatulog,"
Natawa ng mahina si Kuya sa sinabi ko at tinulungan ako sa pagliligpit.
Binalik ko sa dating ayos yung mga ginalaw namin ni Carlo bago bumalik sa couch.
"Are you feeling better now?"
Ngumiti ako kay Kuya at dahan-dahang tumango.
Hinagkan niya ang noo ko bago niya kinuha yung bag niya at pumunta sa itaas para magbihis.
After an hour, nagising na si Carlo at tinawagan ang nanay niya.
"Bukas na ako uuwi maaa..... opo dito lang din naman ako kanila Ren-Ren.... Opooo..... Yaaaayyy! Sankyu maaaa!"
"PWEDE AKO DITO MATULOGGG!"
"Paano yang uniform mo?"
"Edi huhubarin kooo"
"Ano susuotin mo?" I asked.
Tinuro niya si Kuya kaya napa-irap si Kuya.
"Hihiram ako kay Kuyang Joseph!"
![](https://img.wattpad.com/cover/310953226-288-k254861.jpg)
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...