REINA JOY
Pagkatapos ni Carlo dun, bumalik kami sa park at pinabayaan niya ako na mag muni-muni.
Lumuluhod siya sa harapan ko para punasan yung mga luha sa mga mata ko pero wala yung epek kasi ang sakit parin.
Ang sakit kasi kahit ngayon na umalis ako para lumimot, iniisip nila na guilty ako.
"Ren?"
Umiling ako kay Carlo. Alam kong itatanong niya kung gusto ko na bang umuwi pero ayoko.
Nandito na rin naman ako kaya bakit di ko na lang harapin ang mga husga nila sa akin?
Nandito na man lang din ako sulitin ko na ang sakit.
Nagtungo kami ni Carlo sa school at syempre pinapasok na siya ng guard kasi lunch break na.
Dumiretso kami sa mga bulletin board at napangiti pa siya nang makita niya yung mukha ko sa bulletin board as one of San Martin's Pride.
"Ang ganda niya po diba?"
Napalingon kami sa nagsalita and I smiled nang makita ko yung batang parati kong kausap dati tuwing may problema ako.
"Ang ganda mo namang bata," ika Carlo.
"Tinuruan niya kasi ako kung paano manamit tas mag make up,"
Nakangiting sagot nung bata at tumingin kay Carlo.
Hindi man lang niya ako dinapuan ng tingin.
"May gusto po ba kayong malaman tungkol sa kanya? Pero mas maganda po kung hindi tayo dito mag-usap."
Tumango si Carlo at since lunchtime nila, nandito kami ngayon sa pinaka likuran ng school kung nasan ang bench na tinatambayan namin.
"Si Ate Reina Joy, Maganda, mabait, maunawain, masayahin, ang cute niya din, magaling kumanta, hmm ano pa ba, mahilig sa tortang talong at guso!"
Akala ko nakalimutan na niya yan.
Mukhang mali ako.
Matagal ko na din siyang hindi nakikita simula nung umalis ako.
"Pero dahil sa ginawa ni Theophany sa kanya, nawala ang lahat ng yon."
Tumingin si Carlo sa kanya ng nakakunot noo.
"Bakit?"
"Nanligaw si Winston kay Theophany pero ang gusto pala talaga ni Winston ay si Ate Reina Joy, ginamit ni Winston si Theophany para maging close kay Reina Joy. Sabi ni Ate Reina sa akin, pinapunta niya si Winston sa bahay ng kuya niya dahil gusto niya e prank yung kuya niya," Natatawa na sabi niya.
"Mahilig din kasi sa pranks at jokes si Ate Reina,"
"Napansin ko din, Tapos?"
Tumingin ako kay Carlo at ngumiti.
"Ang sabi ni Ate Reina sa akin, kumuha daw siya ng condom sa kuya niya tapos nilagyan niya ng condense milk!"
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi matawa at tumahimik din kaagad.
"Tapos?" nakakunot noong tanong ni Carlo.
"Tapos... sinugod ni Joseph si Winston dito at sinuntok kasi akala ni Joseph, nakuha ni Winston si Ate Reina which is not true! As in hindi daw talaga totoo! Pero nung nakalabas si Joseph, hinalikan ni Winston si Ate Reina sa harapan ni Theophany,"
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya at umiwas ng tingin.
"Ano!?" Carlo asked in shock.
"Oo, tas I remember tumatakbo sa akin parati si Ate Reina at bigla niyang sinasabi niya hiwalay na daw si Winston at Theophany at inamin ni Winston na gusto niya talaga si Ate Reina at hindi si Theophany. Umiiyak parati si Ate Reina tuwing pinag-uusapan namin si Theophany dati,"
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
